Chapter 10

4.2K 137 0
                                    

ALTAIR

Gabi na at kasalukuyan akong nandito sa opisina ko. May ilang papers akong binabasa.

Umalis na kanina pa sila Lucas at Lucius. Halos magkasabay na silang umalis kanina.

"Pasok," sabi ko nang marinig kong may kumatok sa pinto.

Narinig ko ang pagbukas at pagsasara nito kasabay ng may pumasok.

"Magandang gabi, commander," boses ni Lieutenant Joaquin.

Nag-angat ako ng tingin. Sakto naman na umupo siya sa upuan na katapat lang ng desk ko kasabay ng paglapag niya ng isang folder na naglalaman ng papers.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Mga red army na ka-batch mo na nag-decide na bumalik sa normal na pamumuhay. Nandiyan na lahat ng mga info nila like kung ano ang mga gagawin nila or plan."

Kinuha ko ang folder at inisa-isa na basahin ang mga papel na nakapaloob.

Mga ilang sandali ang lumipas at nagsalitang muli si lieutenant.

"Commander ha."

Nang tingnan ko siya, nakangisi siya.

Napakunot ako ng noo sa kaniya.

Ngumuso siya sa isang direksyon. Nang lingunin ko ang direksyon, napabuntonghinga na lang ako. Yung dalang mga bulaklak lang naman nila Lucas at Lucius ang nakita ni lieutenant.

"Yiee, commander."

Nang lingonin ko siyang muli, nakangiti pa rin siya at nagtataas-baba pa ang mga kilay niya.

"Psh." Napailing na lang ako at saka ibinalik ang paningin ko sa mga papel na hawak ko.

"Balita ko dumating din si Lucius kanina. Tapos may dala ring bulaklak para sa'yo. Haba ng hair ni commander," panunukso niya.

Ngumiti lang ako nang hindi siya nililingon. Babaka sakali na titigil siya kung hindi ako magsasalita rito.

Kaso nag-lean pa siya sa desk ko sabay pabulong na nagtanong, "Sino sa kanila ang mas natitipuhan mo?"

Saglit lang na tiningnan ko siya.

"Uy, commander. Sino nga?"

Nagkibitbalikat lang ako bilang sagot kasi hindi ko rin kasi talaga alam.

Bumalik sa pagsandal sa kaniyang inuupuan si lieutenant.

"Dalawang lalaki. Pareho pang commander. Tapos kambal pa. Hmm... interesting, interesting," rinig kong sabi pa niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa binabasa kong papel.

"Ay teka. Triplets sila diba? Yung isa nasa royal army."

Napahinto ako sa pagbabasa. Ngayon ko lang ulit naalala si Lucian. Kumusta na kaya siya?

Aish. Pakialam ko ba dapat dun? Hmp. Erase, erase sa isipan.

"Pero wala naman tayong balita kung ano na ang nangyayari sa royal army. Okay, okay. Focus muna tayo sa dalawang binata na nandirito kanina."

Aish! Give up na ako. Di ako makapag-focus sa binabasa ko.

Tiningnan ko si lieutenant ng deritso.

"Lieutenant, what if kaya lang talaga sila pumunta kanina rito kasi talagang bored lang sila sa campus nila? Or friendly visit lang talaga?"

Naniningkit na umiling siya. "What if hindi? What if talagang pinopormahan ka nga nung dalawa?"

Napaiwas ako ng tingin.

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now