Chapter 11

4.1K 138 17
                                    

ALTAIR

Lumipas ang mga araw at linggo. Wala namang ganoong nangyari. Tahimik na ulit ang lahat maging ang air force.

Kasalukuyan kaming nandito sa meeting hall namin dito sa EAMC para sa monthly meeting.

Kinusot ko ang mga mata ko nang tila bumibigat na ang mga talukap ng mata ko dahil sa antok. Humikab pa itong si Commander Kyshawn ng Solidius army na nasa tabi ko lang, mas lalo lang akong inaantok tuloy.

Nakakaantok din kasi minsan talaga na makinig sa mga report lalo na't wala namang ganoong bago.

Ang hirap talaga labanan ng antok.

Sa kalagitnaan nitong meeting namin, narinig namin ang tatlong magkakasunod na katok sa nakasaradong pinto ng silid. Bumukas ito at pumasok ang isang lalaking army. Nag-salute siya.

"Pasensiya na sa pag-abala sa inyong pagpupulong ngunit may nais na makausap kayo at kailangang-kailangan daw ngayon mismo," mabilis na sabi nito.

Tumango lang ang heneral.

Muling binuksan ang pinto at isang lalaking naka-uniporme ng royal army ang pumasok sa pagkakataong ito.

"Eh?" Napatayo si Commander Miku.

"Eh?" Commander Nathan.

"Eh?" Commander Chelsea.

"Eehhhhh?" Commander Roy.

Nanginginig na nagmamadaling lumapit ang royal army na lalaki sa amin. Pero ang naging dahilan ng reaksiyon ng ibang commander ay dahil sa hitsura nito.

Madungis at may ilang parte ng uniporme nito ang tila punit. May pasa rin siya sa gilid ng kaniyang labi at galos sa kaniyang noo.

Napaluhod ang lalaking royal army nang malapit na siya kay heneral.

"Hu-humihingi kami ng tulong," anito. "Pakiusap, humihingi kami ng tulong."

Yumuko ito na halos lumapat na sa sahig ang noo niya. Naiyak na rin siya.

Nakaramdam kami ng tila pagpapanic dahil sa inaasal ng royal army na ito.

Lumapit sa kaniya si Commander Claire.

"Teka. Huminahon ka muna." At inalalayan niya itong tumayo ng matuwid.

"Sabihin mo muna kung anong nangyari," mahinahon na sabi ng heneral.

Pinahid ng royal army ang luha niya at saka nagsalitang muli.

"Ang Royal Army Campus, sinalakay ng Air Force."

"Ano?"

"Hala."

Ang ilan ay napasinghap sa aming narinig.

"Si Lucian? Nasaan siya?"

Napalingon ako sa nagtanong. Si Lucas. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala niya. Habang si Lucius, napatayo at naghihintay ng sagot. Nag-aalala rin siya.

Shemay. Oo nga. Si Lucian.

Natataranta ang royal army. Hindi alam kung paano sasabihin kung ano man ang nasa isip niya.

Nang mapansin iyon ni Commander Claire, pinakalma niya muna ito.

"Pwede mo bang masabi sa amin kung ano-ano na ang mga nangyari? Para maintindihan namin at malaman namin kung anong tulong ang maibibigay namin sa inyo." Concerned na tanong ng heneral.

Huminga ng malalim ang royal army at saka nagsalita.

"Dalawang araw at magi-ikatlong araw na ngayon na hawak ng air force ang campus namin," panimula niya. "Tahimik lang ang lahat noong araw. May isang binata ang mag-isang pumunta sa campus namin at gustong makausap ang commander namin. Nagpakilala siyang si Jerson. Sa gate lang siya kinausap ni Commander Hideo. Isa ako sa bantay noon sa gate kaya rinig ko ang sinabi ng Jerson na iyon na gusto niyang imbitahang makipagkaisa ang royal army sa air force. Wala siyang paligoy-ligoy na sinabi iyon. Naalarma kami kaya agad kaming humanda para paalisin siya palayo. Kaso napapalibutan na pala kami ng mga air force.

Lumaban kami pero may reinforcement sila kaya naipit din nila kami sa huli. Pinahihirapan nila ang ibang royal army at ang sabi pa ay titigil lang sila sa pagpapahirap sa amin kung papayag na makipag-isa sa kanila ang commander namin. Syempre, hindi pumapayag si commander. Sunod na lang namin nalaman na hawak na kami sa leeg ng air force at pinipilit nilang sumunod kami sa kanila."

"Paano ka nakalabas at nakapunta rito?" Tanong ni Commander Esdeath.

"Nung unang gabi na hawak kami ng air force, plinanuhan nila Commander Hideo at representative Lucian na hihingi na kami ng tulong sa elemental army. Alam nilang hindi na talaga kakayanin namin ito na mag-isa. Ayaw na ayaw nilang tuluyang makuha ng air force ang royal army.

Lima kaming nasa orihinal na planong dapat makatakas. Ang representative namin, ako, ang dalawang captain, isang pang royal army na nagpresenta. Habang si commander, lieutenant, at ang ibang royal army ay pipilitin na lumaban kahit dehado para lang ma-distract ang kalaban at makatakas kami.

Kaso kinabukasan, may isang bagong nakatatandang lalaki ang dumating at sa pakiwari ko ay siya ang pinaka punong lider dahil maski si Jerson na nanguna sa unang araw at yumuko sa kaniya kasama ng iba pang air force. Mas lalong nahirapan kami na makalusot. Nadakip ang isa naming captain at ang isa pang royal army nang nasa gate na kami. Habang si Representative Lucian ay ginawa ang sarili niya bilang pain para siya ang sundan at dakpin ng mga sumusunod sa aming air force. Medyo nakalayo pa kami ng huli kong kasama na captain. Kaso nahabol pa rin kami at natamaan ng malubha ang kasama ko. Maraming dugo ang nawala sa kaniya habang pilit kaming lumalayo at tila nakikipagpatentero sa mga kalaban sa kagubatan. Hanggang sa hindi na niya kinaya. Ako na lang ang nakarating dito," lumuluhang paglalahad ni royal army.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ako ng lungkot at awa para sa kanila. May ilan sa mga commander ang natahimik pero ramdam ko ang namumuong tila tensiyon.

"General, magprepresenta ako na iligtas ang royal army," matigas na sabi ni Lucius.

Nang tingnan ko siya, deritso lang siyang nakatingin kay heneral. Wala akong makitang expression sa mukha niya pero tila namumula ang mga mata niya na parang luluha.

Tumayo rin si Lucas sa kaniyang kinuupuan. "Ako rin, heneral."

"Count me in," ani Commander Klein. "Kumalas man sila sa samahang Elemental Army, hindi natin maipagkakaila na army pa rin sila at ayaw rin nila sa air force."

Napalingon naman kaming lahat kay heneral nang tumayo na ito mula sa kaniyang kinauupuan.

"Sinabi ko kay Commander Hideo noon na palaging bukas ang pinto ng EAMC para sa kanila. Nangangailangan sila ng tulong natin. At hindi natin hahayaan na tuluyan silang makuha ng air force," ani heneral.

Tumayo kaming natitirang commander na nakaupo.

"Sama-sama nating iligtas ang royal army."

"Teka. 'Natin'? Sasama kayo, heneral?" Tila nabasag pansamantala ang mabigat na pakiramdam sa buong silid sa itinanong ni Commander Owen.

Tumango ang heneral. "Sabi kanina ng royal army na ito na may isang nakatatandang lalaki ang dumating at yumuko sa kaniya ang mga air force."

Tumango ang royal army na lalaki.

"Tila alam ko na kung sino iyon. Punong lider nga iyon kung tama ang iniisip ko. Kung nandoon siya, sasama ako."

Tumango kaming mga commander.

"Humanda. Ang mission ngayon ay iligtas ang royal army," ma-awtoridad na sambit ng heneral.

Sabay-sabay kaming nag-salute na mga commander bilang pag-acknowledge sa bagong misyon namin ngayon.

Napapikit na lumuluha ang lalaking royal army. "Salamat."

*****

Elemental ArmyWhere stories live. Discover now