Chapter 20

4K 128 0
                                    

ALTAIR

Nakapikit ako habang nakaupo at nakasandal sa swivel chair ko. Ilang sandali pa ay narinig ko ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto ng opisina ko. Agad kong inutusan na pumasok ang kung sino man ang nasa labas.

Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, marahan kong iminulat ang mga mata ko. Napaayos ako ng upo nang makita ko na si Agatha ang pumasok.

Ngumiti siya sa akin.

"Upo ka," alok ko sabay itinuro ang couch.

Tumayo naman ako at lumipat ng upo sa couch para magkaharap kami.

"Sabi ni Lieutenant Joaquin, gusto mo raw ako makausap," nakangiti niyang sabi.

"Oo. Gusto ko sana na makausap ka. Yung tayo lang. Yung makikilala natin talaga ang isa't isa."

Napakunot siya ng noo niya. "Eh? Parang hindi naman tayo magkaibigan sa sinabi mo." Natatawa pa siya.

Tipid na ngiti lang ang naitugon ko sa kaniya.

"Bakit, Altair? May problema ba? May problema ka ba? Pwede mong sabihin sa akin. Go, makikinig ako."

Napatitig ako sa kaniya.

Paano ko sisimulan ang gusto ko sabihin at itanong sa kaniya?

Nag-wave siya ng kaunti sa harapan ko. "Altair? Okay ka lang?"

Napaiwas ako ng tingin. "Ah. Oo. Uhm... May tanong ako."

Tumango siya.

"May problema ka ba sa akin? I mean, may inaayawan ka ba sa akin?"

Sandali siyang natigilan hanggang sa dahan-dahan siyang umiling. "B-Bakit, Altair?"

"Yung totoo. May kinikimkim ka bang galit sa akin?"

Muli siyang umiling at nagaalangang ngumiti sa akin.

"Agatha, gusto kong magpakatotoo. Alam kong hindi mo ako tinulungan doon sa nangyaring gulo sa isang maliit na bayan."

"H-Ha? H-Humingi ako n---"

Pinutol ko na ang sasabihin niya. "Pero nag-deny ka kay Commander Esdeath na mayroon pang nangangailangan ng tulong sa building kung nasaan ako at ang bata."

Napaiwas siya ng tingin sa akin at hindi nakapagsalita.

"Pinalampas ko iyon. Hinayaan lang kita sa mga sinabi mo kahit alam ko. Pero nagbigay ako ng hint ng warning sayo. Sabi ko, kailangan magtulungan tayo. Nakuha mo kaya iyon?"

Nanatili siyang tahimik.

"Akala ko about sa pakikipagtulungan sa kapwa red army ang maaaring problema lang. Kaso may na-receive akong bagong report na tungkol din sa iyo. Sa naganap na gulo sa siyudad. Pero sa pagkakataong ito, parang may hinanakit ka sa akin." Medyo natawa pa ako sa huli kong sinabi.

Nabalot kami ng katahimikan kaya naging mas awkward pa sa pakiramdam.

"Agatha, may problema ka ba sa akin? Mas mabuti kung sasabihin mo na ngayon para ma-address ko na agad kung may nagawa akong mali," pag-uulit ko sa tanong ko kanina. "Ayoko na tumagal pa ang ganito. Ayokong makaapekto ang ganito sa buong red army."

Huminga siya ng malalim at saka dahan-dahan na tumingin ulit sa akin. "Pasensiya na. Medyo naiinggit lang ako sayo," mahina niyang sabi.

Napakunot ako ng noo ko. "Naiinggit?"

"Marami kang kaibigan, maraming kumikilala sayo, at hindi ka nag-iisa."

"Bakit, ikaw? May kaibigan ka rin naman. Andito ako, si Ryoran, ang ibang red army, ibang army group. Marami rin naman ang nakakakilala sayo. At hindi ka rin nag-iisa. Nandito ang red army at ako para sayo."

Yumuko siya. "Parang hindi ko kasi maramdaman. Parang nag-iisa lang kasi ako. Pasensiya na."

Napaisip ako. "Yan ba ang nararamdaman mo kahit kasama mo ako o ibang army?"

Hindi siya sumagot.

Ngayon ko na realize na hindi ko na nga rin ganoong nakakasama at nakakausap si Agatha mula nang maka-graduate na kami. Lalo na't may ginagampanan akong tungkulin din para sa red army.

"Kung ganoon man ang nararamdaman mo, pasensiya na. Hindi sa ini-invalidate ko nararamdaman mo, pero wala ka dapat ika-inggit sa akin. Wala namang special sa akin. Huwag mo ring iisipin na nag-iisa ka. Diba ikaw na rin nagsabi na magkaibigan tayo? Kung gusto mo, pwede kang pumunta rito sa opisina ko o magkasabay tayo na kakain. Tayo kasama si Ryoran. Ganun ang ginagawa natin noong estudyante pa lang tayo, diba?"

Muli siyang tumingin sa akin. "Namimiss ko na rin ang araw na iyon. Palagi akong may kasama."

"Pwede naman na gawin natin iyon ngayon. Pasensiya ka na. Hindi ko napansin na nakakaramdam ka na pala ng ganoon."

Ngumiti lang siya ng tipid.

"Yun lang ba?" Tanong ko. "I mean, may iba ka pa bang gustong sabihin sa akin?"

Marahan siyang umiling.

"Kung may iba ka pang gustong sabihin sa akin, pwedeng mong sabihin sa akin. Kung may galit ka, pwede mong ilabas ngayon. Makikinig ako."

Marahang umiling lang siya ulit.

*****

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon