Chapter 3

4.6K 164 9
                                    

ALTAIR

Kasama ko ngayon ang dalawang red army. Isa sa kanila ay captain. Malapit na kami sa EAMC para sa monthly meeting naming mga commander kasama ang heneral.

Bumaba kami agad mula sa likod ng sinasakyan naming mga kabayo nang makapasok na kami sa loob ng campus. Saktong kakarating pa lang din ng ibang commander.

"Hello, Commander Altair!" Nakangiting kumaway sa akin si Commander Roy ng Blue Army. Kasama niya si Lucas na ngumiti naman sa akin.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa at kumaway.

Humarap naman sa ibang commander si Commander para batiin ang iba. Habang si Lucas ay lumapit sa akin.

"Kumusta na?" Pangungumusta niya sa akin.

"Ayos lang. Ikaw? Kumusta ang pagiging commander ng Green Army?"

"Ayos lang din. Masaya kahit medyo pressured," nakangiti niyang sagot.

Marahan kaming natawang pareho.

"Same. Medyo pressured din talaga minsan. Hindi na tayo yung sasama-sama lang sa mga lieutenant natin kagaya noon. Talagang tayo na magdedesisyon para sa buong army group," pagsang-ayon ko.

Napatango siya. "Ay teka lang. Kakausapin ko lang yung kasama kung captain ko. May ipapakiusap lang ako sa kaniya."

Agad akong tumango at saka niya pinuntahan ang captain niya.

Mayamaya, nakaramdam ako nang may lumapit at tumayo sa tabi ko. Agad kong nilingon kung sino.

"Oh, Lucius," sabi ko.

Napakadali na lang kilalanin ng magkambal dahil sa suot nilang uniform. Buti na lang na magkaiba ang kapangyarihan nila.

"Ganda ng ngiti niyong dalawa ni Lucas no?" Aniya habang nakatingin kay Lucas na kausap ang sarili nitong captain.

Napabuntonghinga ako. "Lucius... I mean, Commander Lucius, grumaduate at naging commander na lang tayong lahat ganiyan ka pa rin? Di ka na nagbago."

Actually nagbago naman. Medyo naging less na ang pagiging mapang-asar niya sa akin at pasaway niya.

Bigla siyang umirap nang hindi ako nililingon.

Napangiwi ako. "Nagkumustahan lang kami. Yun lang," sabi ko na tinutukoy ay ang kamustahan namin ni Lucas kani-kanina lang.

Napalingon na sa akin si Lucius. "Ako? Di mo ako kukusmustahin?"

Napangiti ako. "Kumusta, Commander Lucius?"

Napasimangot siya.

Napakunot-noo naman ako. "Ano na naman? Mali ba naitanong ko?"

"Lucius na lang itawag mo sa akin," aniya.

"Ayaw mo na tinatawag kitang commander?"

"Ayoko. Pareho naman tayong commander. At saka... parang ang...sdewasafdfws"

"Ha? At saka ano? Parang ano?" Tanong ko sa kaniya dahil pabulong na niya na sinabi ang mga huling kataga. Hindi ko na narinig pa ng maayos.

"Wala," parang irita niyang sagot. "Basta yun na yun."

Pagtapos ay tumalikod siya sa akin at naririnig ko na may binubulong siya.

Agad kong hinawakan siya sa sleeve ng coat niya. "Ayan na naman eh."

Nakasimangot na humarap siya ulit sa akin. "Anong ayan na naman?"

"May binubulong-bulong ka eh."

"Wala."

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon