71

11 2 0
                                    

///

AT DITO na nga nag-hapunan ang dalawa.

Nasa hapag kainan na ang dalawa at ako naman ay hawak si baby dahil nagising ito at umiyak.Hindi ko na nga napag-tuunan ng pansin ang dalawa sa kusina na kumakain dahil nasa kwarto lang ako pinapatulog ulit si baby.Ng makasiguro na tulog na nga si baby ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina kung saan nag-hapunan ang dalawa.


Hindi pa nga ako nakaabot sa kusina ay narinig ko na ang boses ni sir at Roger na para bang nag-babangayan.Dahan-dahan akong sumilip at tiningnan kung ano ang pinag-awayan ng dalawa.Dahil hindi ako pwedeng magka-mali sa naririnig ko, nag-away nga ang dalawa.

“Ikaw nga diyan sir e,kahit may girlfriend na kayo ay nakikipag-landian ka pa rin kay Rosita.Ako pa kaya na single,” natatawa na nakakaloko na wika ni Roger na para bang inaasar niya si sir.

Pero totoo nga ba ang sinabi ni Roger? Na may girlfriend na si sir, at nakipag-landian pa sa akin?

“Bakit, bawal ba makipag-landian?Ang sabihin mo ay wala kang laban sa akin.Sa ganda kong lalaki na ito ay alam ko na magugustuhan ako agad ni Ros,” confident na salita ni sir at seryoso na tinitigan si Roger.

Kita ko naman ang pamumula ng tenga ni Roger.HIndi ko naman maiwasan na hindi matawa sa dalawa.HIndi ko alam kung ano ba ang mga pinaglalaban nila.HIndi ko rin mapigilan na mapangiwi sa sinabi ni sir.Oo,aaminin ko na gusto ko siya at super gwapo niya, matangkad, perfect figure ng body niya, buhok niya na mahaba-haba na rin na hanggang shoulder which is bagay naman talaga sa kanya.Ang mata niyang kulay asul, parang si baby Venus.

Agad akong napatakip sa aking bibig ng maalala ang mga bata ni bab.Katulad talaga sa mata ni sir, pero imposible naman siguro na siya ang ama.Grabing imahinasyon ko nito. Na sapo ko ang noo ko dahil sa iniisip ko.

“Sa tingin niyo sir, magugustuhan ka agad ni Rosita.Lalo na pag nalaman niya na may pamilya ka na,at anak? Knowing Rosita na single mother,tapos gagawin mo pa na kabit?Sir, respeto naman po sana.HIndi naman ibig sabihin na mayaman ka at kaya mo na makuha ang lahat ay basta-basta mo na lang rin na paibigin ang tao. At lalo na hindi ka niya lubusan na kilala.” biglang naging seryoso si Roger at hindi ko na nakikita ang mapang-asar niyang itsura.

May punto nga naman talaga siya.Tama nga si Mamay.Dapat na hindi na ako umasa pa dahil may pamilya at anak ang tao na matagal ko na gusto makita. Masaya na rin naman ako dahil nakita ko siya ngayon na ilang buwan rin nawala

Tumaas ang kilay ni sir ven kay Roger at mapakla na ngumiti. “Kahit ano pa ang sabihin mo, mapapa sa akin si Rosita.” malamig at nakakatakot na boses ang pinakawalan nito.

Gulat rin si Roger.Nanindig rin ang balahibo ko sa katawan. “Will,let’s see.” mataas din na kumpyasa na wika ni Roger.


  Aba palaban, hindi takot sa boss niya.

HIndi ko alam kung ano ang nararamdaman ko after ko marinig ang bardagulan ng dalawa sa harap pa mismo ng hapag-kainan.Napaka walang respeto talaga ng mga ito.Pero totoo ba talaga ang mga narinig ko?Gusto ako ni sir at Roger? May kamandag pa rin pala ako kahit papano.

Hindi na lang sumagot si sir ven at umayos na ng upo,at nag-simula na humukad ng kanin. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa nagalaw ang mga pag-kain. Kanina pa sila rito naka-upo.

Pag-pasok ko sa kwarto dahil nagising si baby ay nakahanda na ang mga pag-kain sa mesa.Pinatulog ko na si baby, at nakalabas na ng kwarto, akala koay tapos na silang kumain kasi trenta minutos na ang nagdaan.

“Ngayon pa lang kayo kumain? Ano ginawa n’yo, nag-laro?” sarkastiko kong salita.

Muntik ng nabilaukan si sir Ven kaya agad ko siyang sinalinan ng tubig. “Hinay-hinay lang wala kang kalaban,” salita ko habang tinatapik-tapik ang likod niya.

“Paano yan, naka scsore na ako.” mapang-asar na wika niya kay Roger.

Nag-tatak naman akong tumingin kay Roger na agad naman nag-iwas ng tingin,pero namumula na ang tenga.


“Kumain na nga lang kayo.Ligpit ko yan lahat eh,” pa-galit na wika ko kahit hindi naman talaga ako galit. Sabay naman na nag-sikainan ang dalawa.

Tumayo ako at palihim na ngumiti.Nakakatawa silang tingnan, parang mga aso at pusa.

“We're done,” saad ni sir Ven at tumabi sa akin.

“Kumusta naman ang pag-kain? Masarap ba?” tanong ko kay sir.

“Sobrang sarap,” tugon niya.”Pero mas masarap ka,” he pervertedly said.

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now