77

5 1 0
                                    

///

HINDI ko alam kung bakit nandito siya ngayon sa bahay namin. Hindi ko siya kinibo at pumasok na sa kwarto namin ni baby. Dahan-dahan akong lumapit sa higaan ni baby.Ang himbing ng kanyang tulog at napaka-amo ng kanyang mukha.

  Hindi ko talaga maiwasan na purihin ang anak ko. Napaka ganda niya talaga. Agad ko pinahiran ang luha ko, dahil mas lalo akong naging emosyonal ng makita ang anak ko. Iniwan ko ba naman siya.

  Dali-dali akong nag-bihis, upang makapag-pahinga na ako dahil kanina pa talaga kumikirot ang ulo ko. Hindi ko na namalayan ang sakit ng ulo ko kanina dahil sa naging busy na rin sa pag-aasikaso ng lahat. Mabuti na lang at tinawagan ni Mamay si Aling Pacita.

"Nak, kausapin mo muna si sir," pumasok si Mamay sa kwarto ko at tinulak ako palabas.Wala na akong nagawa kundi ang kausapin ang amo namin na sobrang gwapo.

"Bakit po b kayo nandito? Iniwan mo ba ang fiance mo?" tanong ko sa kanya at umupo sa mahabang upuan na gawa sa kawayan.

"Tapos na," matipid niyang sagot.

"Anong tapos na?" takang tanong ko.

"Ang party," matipid pa rin na sagot niya at hindi sa akin ang tingin. Nasa ibaba lang ang kanyang tingin at parang malalim ang iniisip.

"May problema ba?" tanong ko na lang at nag-timpla ng gatas.

Malapit lang kasi ako sa lamesa kung saan naka-handa ang kape,gatas,asukal,at thermos o container kung saan ilalagay ang mainit na tubig or malamig na tubig para manatiling mainit at malamig.

"I like you,and I don't want to get married to someone na hindi ko gusto.Rosita, alam ko na hindi pa tayo lubusan na magkakilala, pero..." he said and paused. "Will you give me a chance?"

I frozed. Why would he pursue someone like me? I am way too old than his age. "Are you sure about it,Sir? Baka na gulat ka lang sa nararamdaman mo," natatawang wika ko.Kabit sobra na akong kinabahan at nanginginig ang kamay dahil sa kilig.

"Please, If you'll give me a chance. I will be a good to you. Tatanggapin kita kasama si baby Venus," mukha talaga siyang desperado. "Hindi ko kasi alam kung paano ka kalimutan. I tried to distance myself to you, pero mas lalo lang nahulog ang loob ko sa 'yo. Desperado na kong desperado, pero ito talaga nararamdaman ko sayo eh," napako na talaga ako at hindi makapag salita.

Paano ko ba ipapaunawa sa kanya na hindi nga kami pwede. Paano niya nagawa na iwan ang magiging asawa niya?

"Paano si Dina, and fiance mo? Ang anak mo? Ayaw ko na maging pangalawa sa buhay mo. And hindi kita gusto," pagkasabi ko nun ay mabilis na lumingon si Ven sa akin.

Kita ang gulat sa kanyang mga mata. Malungkot at nasasaktan siya, pero ito ang dapat kong gawin. Itutulak ko siya hanggang sa tigilan na niya ako. Ayaw ko rin na madawit sa pamilya niya. Hindi ko siya kilala. Ni buong pangalan niya ay hindi ko alam. Family background niya ay hindi ko alam. Lahat sa kanya ay hindi ko alam.

Napapikit na naman ako dahil sa sakit ng aking ulo. Nahihilo na naman ako. "Sige na po, magpahinga na po ako, sir."

Tumayo ako upang magtungo sa balkonahe ng biglang bumigat ang mga mata ko at parang babagsak na ang katawan ko.

"Rosita? Are you okay?" narinig ko salita ni sir Ven.

Para akong dahan-dahan na kinakain ng dilim, hanggang sa wala na akong marinig at makita.

.......

THIRD PERSON'S POV

ROSITA lost her consciousness in front of him. Mabilis siyang na salo ni Ven at mabilis na humingi ng tulong. Agad naman na tinawagan ang doctor na gumamit sa kanya nung na aksidente siya. Hindi alam ni Ven ang nangyari sa kanya kaya mabilis na kinausap ni Mamay ang doctor n hindi na nito banggitin ang nangyaring aksidente.

"Kumusta siya doc?" Tanong ni Mamay sa doctor.

"Wala naman problema sa kanya, normal lang na sumasakit ang ulo niya dahil din sa mga alaala na pilit niyang inaalala. At sa mga alaala na kusa naman na bumabalik sa kanya. Wala naman akong nakitang complikasyon base sa x-ray niya. All good naman, kaya wag kang mag-alala. Hintayin na lang natin na magising siya," mahinang salita ng doctor upang hindi marinig ni Ven.

"Salamat doc," saad naman ni Mamay at hinatid na ito sa labas.

"May, hindi niyo po kailangan na itago. Ang nangyari kay Rosita ay isang malaking katanungan sa atin. Hindi niya kilala ang sarili niya, at sana sa pag gising niya ay malaman at makilala na niya ang sarili niya. Alam kong napa-mahal ka na sa kanya, pero May paalala lang ha. Hindi mo anak si Rosita, I kung ano pa man ang pangalan niya. Ihanda mo rin ang sarili mo na PAKAWALAN siya." mahabang wika ng doctor bago ito umalis.

Hindi naman mapigilan ng matanda na maiyak dahil totoo naman ang sinabi ng doctor. Hindi niya anak si Rosita. Ang pangalan na ginamit ni Rosita ay ang pangalan ng kanyang anak na matagal ng namayapa. Namatay kasi ang kanyang anak sa Manila.

"May, gising na po si Rosita." humahangos na wika ni Ven ng lumabas ito at hinanap ang matanda.

"Bakit?" kinakabahan na tanong ng matanda.

"Hindi niya ako kilala!"

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now