Chapter 33

6.3K 332 26
                                    

HINDI alam ni Soft kung makailang ulit na siyang humugot at bumuga ng mabibigat at malalalim na paghinga habang palakad-lakad. Ang araw na ito ay tila napakahaba. Halos hindi rin siya masyadong nakatulog kagabi. Kung hindi siya nagkakamali ay alas tres ng madaling araw na siyang nakatulog. Sinaulo niya ang speech na ginawa niya. Gusto niyang perpekto ang lahat—mula sa kanyang mukha, sa kanyang suot at lalo sa mensaheng sasabihin kay Montana sa harap ng maraming bisita.

Wala siyang maayos na tulog pero mukhang okay naman ang mukha niya. Hindi naman nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. Hindi naman siya mukhang puyat. Nagising siya ng alas cinco y medya, tumakbo siya sa village, nagbuhat sa gym sa bahay at uminom ng kanyang protein shake. Nag-monitor din siya sa ginawang dekorasyon sa backyard at pavillion ng kanilang bahay at nasiyahan naman siya sa resulta. Maayos. Maganda ang kabuaang beste sa lokasyon ng pagdarausan ng engagement party nila ni Montana. It was transformed into a magical wonderland. Ang pavilion ang magsisilbing dance floor sa mga gustong sumayaw. It was bathed in a warm glow, that is surely beckoning the guests to twirl and sway later.

The backyard was already bustling with elegantly dressed guests, creating a lively atmosphere filled with laughter and excitement. Ang kanyang mama ay walang tigil sa pagbibida kung gaano kaganda ang mapapangasawa niya at excited na ipakilala sa lahat. Katunayan ay malaking porsyento ng bisita rito ay ang kanyang mama ang nag-imbenta kasama ang mag-inang Clara at Hanny. Pabor naman sa kanya iyon para tigilan na rin siya ni Clara.

Everyone looked excited. Meanwhile, he was anxiously awaiting Montana to come out. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito siya kakabado. Kanina pa. Habang lumilipas ang bawat segundo na hindi pa rin niya nakikita si Montana na lumabas ng pinto ng mansiyon kung saan niya ito inaasahang lalabas ay lalo siyang kinakabahan.

Natigil si Soft sa pagpaparoo't parito nang lapitan siya nang bagong dating na bisita—ang mag-asawang Villar na nakatira lang din dito sa village.

"Congratulations, Soft! Finally!" magiliw na sabi ng babae.

"Thank you, tita." Bumeso siya sa babae at nakipagkamay naman sa esposo nito.

"Sino nga pala ang fianceè mo? Ito ba ang apo ni Alisson?"

"Oh! No, Tita. It's someone else. You'll meet her later."

"Oh, okay. Congratulations again. I'm happy that someone caught your interest at last."

"No, Tita. She caught my heart."

"Oh!" The woman clapped her hands together, eyes sparkled with genuine happiness. "That's so romantic."

"We can't wait to meet your fianceè," ani ng esposo nito. Nagpaalam na ang dalawa. Muli siyang humugot at nagpakawala ng maluwag na paghinga. Inabot niya ang lapel ng kanyang suit para ayusin iyon kahit wala namang dapat ayusin habang ang mata ay muling sumulyap sa pintuang alam niyang lalabasan ni Montana.

Ang tagal nitong lumabas. Nababahala siya lalo't si Iolanthe ang kasama nito kanina sa silid para magbihis. Baka kung ano-anong paninira na naman tungkol sa kanya ang sinabi ng pamangkin niyang iyon. Nagsimula na rin ang event. Ang host na ang nag-welcome sa mga dumating na guest at mukhang nag-e-enjoy naman ang mga bisita sa pakikisalamuha sa mga kapwa bisita.

Malawak siyang napangiti nang makita si Alecksander at iba pang kaibigan nito. Lumapit ang mga ito sa kanya. "Congrats, Soft," si Alecksander.

"Thank you for coming." Nakipagkamay siya sa mga ito. Ang ngiti ay bahagyang nabawasan nang ang atensiyon mapunta sa pinakahuli sa grupo.

"I was invited, was I?"

"Of course," napipilitang niyang sabi. Pinaimbitahan niya ang mga ito kay Hector kaya natural lamang na narito si Dimitri kahit hindi niya talaga ito gusto. Ewan ba niya. Masama ang kutob niya sa isang ito kahit kung tutuusin ay wala namang rason. Dahil kay Montana nga pala. Ang koneksyon nito kay Montana. Pero mabuti na rin na narito ito, para malaman nitong si Montana ay para sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now