Chapter 1: The Painter

157K 2.9K 105
                                    

A/N: Pasensya na kung natagalan :) Hope you can ride this new roller coaster ride with me guys <3




"I dream my painting and I paint my dream."

― Vincent van Gogh

CHAPTER 1

CHIANTI'S POV

Nararamdaman ko ang tingin sa akin ng mga tao pagkapasok ko pa lang ng coffee shop ngunit nanatiling tutok ang paningin ko sa sapatos ko na puro patak ng pintura. Sanay na ako na pinagtitinginan. Kung hindi kasi dahil sa kakaiba ko na pisikal na itsura at buhok na animo umaapoy dahil sa pagiging half Irish ko ay ang pananamit ko naman ang nakikita nila.


Kakaiba daw kasi ang fashion sense ko sabi ng mga kakilala ko. Pero ano namang sinama niyon di ba? Sa doon ako komportable.


Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nandito ako sa Aroma Cafe para makipagkita sa mga kaibigan ko. Nag-usap kami kagabi na magkita rito nang alas kwatro ng hapon at ngayon nga ay inagahan ko pa ang pagpunta at baka magreklamo na naman sila.


"Bakit ba hindi nagtetext ang mga baliw na iyon?" bulong ko sa sarili at sinimulan kong halungkatin ang dala ko na bag. Napatigil ako ng mapansin ko ang mga kamay ko. "Hindi pa pala ako naghuhugas ng kamay."


"Ma'am, okay lang po ba kayo?"


Tumingin ako sa lumapit na security guard. "Yes. I was just looking for my phone."


"Eh, ma'am...nasa bulsa niyo ata."


Nagbaba ako ng tingin sa bulsa ko. Nakabakat nga roon ang phone ko. "Ahh. There you are." I fished it out and looked at the guard. "Thanks."


Tinalikuran ko na ang security guard na parang nababalatubalani na nakatayo lang doon at sinimulan ko na ang pagpipindot sa phone. "Bakit hindi umiilaw? What the heck is wrong with this thing?"


Kaya ayokong ayoko na gumagamit ng cellphone. Hindi kasi kami magkaintindihan at lagi din akong nakakasira nito. Kaya nga hindi na ako nakikiuso sa mga touch screen dahil last time na nagkaroon ako no'n ay nabasag ko lang...at nabasa ng pintura. Puro di-key pad na phone lang ang binibili ko para kahit masira ko at least mura lang. "I hate you!"


"Hoy, Chianti!"


Hinarap ko ang nagsalita. Isang babae na tuwid na tuwid ang kulay tsokolate na mahabang buhok, may pagkamorena at mahahabang pilik mata na para bang ginawa iyon para sa isang manika. Indian beauty. Looks like I don't need my phone anymore. Thank heavens for that. "It's not Chi-Yan-Ti, it's Ki-Yan-Ti. Pitong taon na tayong magkakilala, Syrah, hindi mo pa rin alam kung paano bigkasin ang pangalan ko?"


"Sa iyon ang spelling eh. Halika na nga at kanina ka pa namin iniintay."


"Ang aga ko ah." kunot ang noo na sabi ko.


"Maaga ka diyan, dalawang oras ka ng late, no. Binago namin ang oras pero hindi ka naman nagrereply sa text. Nag email din kami hindi ka sumasagot."


"Busy ako."


"Tamad ka lang kamo na mag check ng mga messages at emails mo."


Nagkibit-balikat na lang ako. Aminado naman kasi ako na hindi ko talaga gusto ang mga kung ano-anong klase ng teknolohiya maliban sa telebisyon. Naiirita kasi ako kapag tunog ng tunog ang phone o laptop ko dahil sa mga pop up messages.


Tinungo namin ni Syrah ang tagong parte ng coffee shop kung saan nakapuwesto ang dalawa pang babae. Nakangusong tumingin sa akin ang isa sa kanila, si Roussanne. Half pinay, half Russian na obvious na sa itsura at naghuhumiyaw niya na kulay mais na buhok. "Buti naman at naisipan mo na siputin kami, Chianti."


Exquisite Saga #1: Chianti CallahanWhere stories live. Discover now