Chapter 27: The Terror

62.1K 1.6K 198
                                    




CHAPTER 27

CHIANTI'S POV

Pakiramdam ko ay paulit-ulit na may pumupukpok sa ulo ko. Mabigat rin ang katawan ko at nahihirapan ako na imulat ang mga mata ko. Ngunit sa kabila ng panghihinga ay pilit na ibinukas ko ang mga talukap ko ngunit sa aking pagtataka ay nanatiling madilim ang paligid. Sinubukan ko ring igalaw ang katawan ko ngunit tila may taling nakapalibot sa akin.

Unti-unti ay bumalik sa akin ang mga nangyari. Ang pagbisita ko sa Exquisite para sa report, ang katotohanan sa sitwasyon namin ni Gaige, at ang kliyente na nakaharap ko.

No...no he's not just a client.

Reynaldo Casi.

I thought I could live a normal life without fearing every step because of him. I thought the heaven would finally smile towards me and conjure a magic to take away the evil inside Reynaldo. Pero kailan ba naging maayos ang lahat para sa akin? Kailan ba ako binigyan ng kapayapaan ng Diyos? Maybe I just really don't deserve it. Maybe this is what was written on my palms since I was born.

I was to live this kind of life. A damaged one...a life not worthy of living.

Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko ng bumukas ang pintuan dahilan para pumasok ang liwanag sa kinaroroonan ko. Hindi pa ako nakakabawi sa pagsilaw ng liwanag nang maramdaman ko ang biglang pagkabasa ng katawan ko. Sumisinghap na pilit akong nagkumawala sa upuan kung saan ako nakatali ngunit tangi ko lang nagawa ay iiwas ang mukha ko sa patuloy na pagbuhos ng tubig sa akin.

"Wake up, wake up, little Chianti."

Mas pipiliin ko pa ang walang katapusang kadiliman, kesa ngayon na kitang-kita ko ang mukha ng taong laman ng mga bangungot ko sa nakalipas na mga taon.

Sa kabila ng pagbabago na idinulot sa kaniya ng mga nakalipad na taon ay isa ang nanatiling hindi nagbago. Ang mga mata niya na nangangako na magbibigay sa akin ng matinding pagdurusa.

Iniwas ko ang mukha ko ng magtangka siyang hawakan ako ngunit wala akong nagawa ng mariin niya akong hawakan sa baba at marahas na iharap ako sa kaniya.

"Ang tagal nating hindi nagkita tapos ganiyan lang ang isasalubong mo sa akin?"

"L-Let go..."

"Pakakawalan rin naman kita. Wag ka mag-alala, little Chianti." pabulong na sabi niya at inilapit ang mukha niya sa tenga ko. "Pero kapag pinakawalan na kita, sisiguruhin ko na wala ng makikinabang sayo at hinding hindi ka na makakabalik sa asawa mo. Sa pagkakataon na ito, ako lang ang magiging huling ala-ala mo."

I can feel fear creeping inside me. Dahil kahit hindi niya pa sabihin ng diretso alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Na pagkatapos ng lahat ng gagawin niya sa akin ay titiyakin niya na hindi ko na magagawang makabalik sa buhay na iiwan ko. Dahil pati iyon...ang buhay ko, ay kukunin niya na rin.

He took my dignity before. He crushed my soul. And now he's gonna take my life.

"Why...are you doing this?" I whispered.

Nag-alab ang mga mata niya sa galit at dumiin ang pagkakahawak ng isa niyang kamay sa braso ko. "Dahil magmula ng dumating ka sa buhay ko puro kamalasan lang ang nakuha ko. Ikaw ang may kasalanan ng lahat."

"You did that to yourself. It wasn't my fault-"

Napatigil ako sa pagsasalita at napaigik ng malakas na dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. "Tumahimik ka!" muli niyang hinawakan ang baba ko at inangat ang mukha ko para magtama ang mga mata namin. "Nakulong ako ng matagal samantalang ikaw na pag-aari ko ay nagpapasarap sa kama ng iba! At talagang may gana ka pang kalimutan ako at nagpakasal ka sa Hendrix na iyon. Pero tignan mo nga naman, saan siya dinala ng pera niya? Mayaman nga siya pero wala siyang laban sa utak ko."

Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon