Chapter 3: The Fallen

81.2K 2K 59
                                    

CHAPTER 3

CHIANTI'S POV

Habang binabalanse sa kamay ang malaking paper bag ay hinugot ko ang private key ko at pinunch in ang security code sa isang maliit na keypad ng elavator. Pagkatapos niyon ay pumasok na ako. I own a penthouse at Sky Rise Condominium.


Iginala ko ang paningin ko, searching for my wandering cat. Hindi na nakakapagtakang makapagtatago siya dahil malawak talaga ang lugar na ito. Hindi man marami ang mga appliances ay nagkalat naman ang iba't-ibang size ng mga canvass at mga painting materials.


Hindi naman sa hindi ako organisado. Kung tutuusin ay maayos naman na nakalagay sa mga tamang lagayan ang mga gamit ko. Magulo lang talagang tignan ang penthouse ko dahil sa mga dyaryong nakakalat para hindi matuluan ang sahig kapag nagpipinta ako.


Kulay cream at beige ang ginamit ko para sa interior ng lugar. I even painted it myself. Sa gitna ng living room ay nandoon ang itim ko na sala set, stereos at malaking flat screen TV, my bestfriend. May mahabang puti na built in shelves naman sa isang panig ng living room kung saan nakalagay ang batalyon kong koleksyon ng mga movies at albums. Sa kanang bahagi ng lugar ay naroroon ang wooden slidable partition ng kitchen.


Wala akong dining table. Hindi naman kailangan dahil wala din naman akong kasalong kumain.


"Come here, boy." tawag ko at kaagad namang sumulpot ang isang itim na itim na pusa. My five years old, American Shorthair, Mr. Snipes.


Iniregalo siya sa akin ni Roussanne. Para daw hindi ako tuluyang mabaliw dahil wala raw akong interaksyon sa living things kapag wala akong trabaho sa Exquisite. But I'm glad that she gave me, Mr Snipes. I love cats. May sarili din kasi silang mundo, parang ako lang.


Umikot-ikot si Mr. Snipes sa paa ko at naglalambing na kinikiskis ang katawan niya sa akin. Yumuko ako at kinuha ko siya habang sa isang kamay ko ay hawak ko pa rin ang paper bag. Galing kasi ako sa mall at bumili ng mga bagong painting materials.


Naglakad ako papunta sa kusina at ng makarating roon ay ibinaba ko sa counter si Mr. Snipes na nakamasid lang sa akin. Sinimulan ko ng ilabas ang laman ng paper bag ng mapansin ko na titig na titig pa rin siya sa akin. "What? Akin kaya ang mga ito."


"Meow."

"Sinira mo ang isa sa favorite pouch ko kaya walang kang pasalubong ngayon."

"Meow!"

"Akala mo na lang meron, pero wala, wala!"

"Meooooowww!"


Napangisi ako. Mabisang stress reliver talaga si Mr. Snipes. Nawawala kasi lahat ng pagod ko kapag nakikita ko na naiirita na siya sa akin. "O. Pasalamat ka cute ka kung hindi ginawa na kitang siopao." sabi ko sa kaniya at binuksan ang isang bag ng treats para ibigay sa kaniya ang isang piraso.


"Meow!"


Naiiling na sinundan ko ng tingin si Mr. Snipes na taas ang buntot na lumayas na. Suplado talaga.


Inihanda ko na rin ang pagkain niya dahil aalis rin ako mamayang alas-nuwebe. I have another client, at hindi sa gallery, it's for Exquisite. Tuesday at Thursday ang pasok ko sa Exquisite, bakante ako ng Wednesday at Sunday, Monday, Friday at Saturday naman ang pagbubukas ko ng gallery. Tuwing alas-otso ng umaga binubuksan ko ito at sinasarado ko naman pagdating ng alas-kwarto ng hapon.


Maliit lang ang space ng gallery ko dati. But when a famous actor in the US mentioned in an interview about one of my paintings that he bought, my gallery bloomed in an instant.


Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon