Chapter 10: The Wish

69.6K 2.1K 142
                                    







CHAPTER 10

CHIANTI'S POV


Tumutugtog ang malamyos na tunog sa paligid ngunit imbis na kalmahin ako niyon ay mas nangingibabaw ang inis ko sa taong kaharap ko. Even the romantic ambiance of this restaurant cannot calm me down. Hindi ko alam kung bakit once upon a time ay nahalina ako sa kulay tsokolate niyang mga mata...at sa mga labi niya na parang kay sarap halikan. He's just an irritating and cunning handsome businessman.


And even though you're saying that, you're still complimenting the enemy.


"Masaya ako at pumayag ka na makipagkita sa akin. Akala ko talaga hindi ka na papayag sa kasunduan." basag ng lalaki sa katahimikan.


Pinaikot ko ang mga mata ko. "Nandito ako dahil wala na akong choice. Iniipit ako ng Exquisite at ganoon din ang ginagawa mo."


Mataman na tinignan niya ako. Pinilit ko na huwag mag alis ng tingin kahit na pakiramdam ko ay natutunaw na ako sa ilalim ng pagtitig niya. I need to marry him but that's the only connection I will allow myself to have with him. I'm Chianti Callahan. I live years of my life without needing the help of a man and I won't start now. Pare-pareho lang ang mga lalaki. Kapag nakabaon na sa iyo ang mga kuko nila wala ka ng magagawa kundi mag intay na tapusin nila ang paghihirap mo. They can be good at you in the beginning, but it will end as fast as you blink.


"Makikita mo din sa huli na para sa iyo din ang ginagawa ko."


"Alam mo hindi talaga kita maintindihan. Bakit ba concern na concern ka sa akin? Kasi kahit ilang beses ko na paulit ulitin sa utak ko ang lahat ng sinabi mo wala pa ring sense eh. Maraming babae diyan, Gaige. Bakit nagtiya-tiyaga ka sa isang babaeng bayaran?"


"Stop." He said in a dark voice.


Pinag-igting ko ang mga ngipin ko at padabog na kinuha ko ang tinidor at steak knife sa harapan ko. Masama ang tingin sa steak sa harapan ko na hiniwa ko iyon na halos pati pinggan ko ay umingay na sa pagkakadiin ko.


"How old are you?"


Nag-angat ako ng tingin at binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Hindi mo pa ba alam? Baka nga mas kilala mo pa ako kesa sa sarili ko."


"I'd rather you tell me. And I don't know everything about you, your company made sure of that."


Argh! So irritating! Pakiramdam ko lahat ng sabihin ko sa kaniya ay may sagot siya pabalil. "Twenty-five."


"Nationality?"


"Half Filipina, half Irish."


Tumango-tango ang binata. "That explains the hair."


Pinaningkitan ko siya ng mga mata at kumuyom ang mga kamay ko na nakahawak sa steak knife. Relax, Chianti. Hindi bagay sayo ang maging killer. "May problema ka ba sa buhok ko?"


Umiling ang lalaki. "I kinda like it."


Pakiramdam ko ay nahipan palabas ng restaurant na iyon ang inis at pagkairita na nararamdaman ko sa paraan ng pagkakasabi niya niyon pati na ang mga mata niyang animo natutuwa sa akin.


Hindi ko mapigilan pero bumalik sa ala-ala ko iyong mga panahon na nagkita kami sa The Corner. When he was looking at me like I'm the most fascinating woman he have ever seen.


"Favorite color?"


"Brown." Bulong ko.


Sunod-sunod na napakurap ako ng tumaas ang sulok ng labi ni Gaige. Lihim na napamura ako ng marealize ko kung ano ang nasabi ko habang nakatulala ako sa kaniya. It's the color of his eyes.


Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon