Chapter 31: The Redemption

47.9K 1.4K 83
                                    




CHAPTER 31

CHIANTI'S POV

I feel heavy. Like I'm carrying a weight that is too much for my body... pinning me down and making it hard for me to take every step. Pakiramdam ko bawat yapak ay isang malaking tipak ang nababawas sa lakas ko. Bawat yapak...nagdudulot sakin ng sobra-sobrang sakit.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo kahit pakiramdam ko ay nalulunod ako sa malakas na buhos ng ulan na tumatama sakin. Madilim ang paligid at tanging ang liwanag lang na nagmumula sa kidlat ang nagbibigay sa akin ng ilaw. Sa kabila niyon, sa kabila ng bawat pagguhit ng kidlat at pagyanig sa aking paligid, wala akong marinig maliban sa tila hinihingal na boses na hindi naman nanggagaling sa akin.

Hindi ko ininda ang tumutusok sa mga paa ko o ang tumatama sa katawan ko at tumakbo lang ako ng tumakbo na para bang hindi ako pwedeng tumigil kahit saglit. Dahil maabutan niya ako. Nang lalaking pula ang isang mata at wala ang kalahating mukha.

Pero sadiyang hindi ko na kaya ang bigat na dala ko at idagdag pa ang dulas ng lupang inaapakan ko. Tuluyan na akong napadapa at nang tumama ang katawan ko sa lupa ay ultimanong nawala ang bigat sa akin.

Bumagsak ang mukha ko at tumama iyon sa kung saan ngunit hindi sa sakit no'n natuon ang pansin ko kundi sa isa pang mukha na ngayon ay nakatingin sa akin. Bukas ang mga mata at kita ang sakit doon na nakatingin sa akin si Vicky. Sinubukan kong I-angat ang kamay ko para hawakan siya pero kasunod ng malakas na putok ng baril na para bang mismong nanggaling sa tapat ng tenga ko ay nawala ang kanina ay mukha niya sa harapan ko at sa halip ay pula....pula na lang ang tanging nakikita ng mga mata ko.

Katulad ng mga nakaraan ay higpit ng yakap ang gumising sakin. Nanginginig ang mga kamay na automatikong yumakap ako kay Gaige na ngayon ay marahang hinahaplos ang buhok ko. Sumubsob ako sa leeg niya at lumuluhang nananatili ro'n.

Napapagod na ko. Hanggang kailan ba ako susundan at gagambalain ng mga ganito? Hanggang sa pagtulog ba dadalin ko parin ang bangungot ng realidad ko?

"I'm tired. I don't know how long I can do this."

Naramdaman kong kumilos si Gaige at may inabot habang nananatiling nakahawak sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nagsusulat siya sa isang papel. Binasa ko 'yon ng ilagay niya 'yon sa harapan ko.

'We'll get you some help, angel. It's gonna be okay.'

"Hindi ka na dapat nag aaksya ng oras sakin. Sobra na akong umaasa sa'yo. Alam ko nahihirapan ka na din sakin. You deserve better."

'I deserve to have someone I want to be with. At ikaw 'yon. I'm still your husband, Chianti. Hindi lang para sa kontrata, sa kasunduan, o sa kung ano pa man. I am your husband because I want you to be mine and me as yours.'

Hindi ko alam kung dadating ang panahon na magagawa kong itigil ang kakatanong sa sarili ko kung ano ba ang nagawa kong tama para ibigay sakin si Gaige. Dahil kahit na anong kumbinsi ko sa sarili ko pakiramdam ko ay wala akong kayang gawin para maibigay ko ang kahit na anong makakahigit sa mga bagay na ginagawa niya para sa akin.

If I didn't meet him that night, if I didn't see those chocolate eyes...would his fate change? Siguro may iba na siyang babae na kasama ngayon habang patuloy niyang ginagawa ang dating nakasanayan na niya. At ako...I wonder what will happen to me? Will I ever be save without him?

Isipin pa lang na iba ang babaeng nasa mga bisig niya...pakiramdam ko ay mahigpit na akong sinasakal sa leeg.

I looked out at my vast glass windows and I felt my body tremble when I saw the curtain was wide open and for a moment I thought I saw a reflection other than the two of us. Saglit na pinakawalan ako ni Gaige at lumapit siya sa bintana para isarado ang kurtina hanggang sa hindi ko na makita ang labas. Bumalik siya sa tabi ko at muli akong niyakap.

Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon