Chapter 22: The Distraction

62.6K 1.5K 117
                                    







A/N: Sorry na pipol. Nagbabalik na ang paru-parong panandaliang naging tao :3

CHAPTER 22

GAIGE'S POV


Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa ko na mga papeles ng makarinig ako ng pagkakagulo sa labas mula sa office room ko dito sa bahay. Maghapon kong hinarap ang tambak ko na mga trabaho dahil sa matagal naming pagkawala ni Chianti. But it's worth it.


Napakunot noo ako ng pabagsak na bumukas ang pintuan at humahangos na pumasok roon si Duane.


Hindi normal ang ganitong kilos ng lalaki. Alam niya na ayokong iniistorbo kapag nagtatrabaho ako. Maliban na lang kung importante. "What is it?"


"Mrs. Hendrix is-"


Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at kaagad na tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Nilagpasan ko siya at halos takbuhin ko ang kinaroroonan ni Chianti. Madali kong nalaman kung nasaan siya dahil nagbubulungan na nag tipon-tipon ang mga kasambahay sa bukana ng bahay.


Bumuka ang mga labi ko para magtanong ngunit naputol iyon ng makita ko si Chianti na nakatayo sa labas ng bahay. She was drenched with rain, her make-up's running, and she's clutching something tight on her hands.


"Mr. Hendrix-"


Hindi ko pinatapos muli ang sasabihin ni Duane na nakasunod sa akin at may inaabot na payong. Dali-daling nilapitan ko si Chianti na hindi pa rin kumikilos sa kinatatayuan niya.


Mahinang napamura ako nang malapitan ko siya at mahawakan. She's shaking. "Chianti, let's go inside. Nilalamig ka na. You can tell me what happened after I take care of you, okay?"


"I-I shouldn't..." she whispered. "I shouldn't subject you to this. But I-I...I have no choice."


Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya. Marahang hinawakan ko iyon at kinuha ko ang papel na nalukot sa mahigpit niyang pagkakahawak. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. I look at the date and cursed again. It was even before our wedding.


For some reason hindi agad ito nakita ni Chianti. It's the same letter that my security team were receiving. The same letter, same content...same hand writing.


"I-I'm sorry..."


Ibinato ko kung saan ang papel at binuhat ang nanginginig na babae. Itinakbo ko siya papasok ng bahay kung saa nag-aabang na ang isang kawaksi na may hawak na tuwalya. Kaagad na ibinalot ko iyon sa kaniya.


"M-Mababasa ko ang carpet mo." bulong ni Chianti.


"Let's not think about that right now, angel. Just let me take care of you, okay?"


"O-Okay."


Dinala ko siya sa master bedroom, diretso sa bathroom. Inilapag ko siya sa bathtub at walang imik na hinayaan niya lang ako. I started the bath and while waiting for the tub to fill, I reached out for her clothes. Tahimik na nagpaubaya siya.


Niyakap niya ang mga tuhod niya at ipinatong niya ang ulo niya roon. Nanginginig pa rin ang katawan niya habang panay ang tulo ng mga luha mula sa mga mata niya.


"Akala ko...akala ko ligtas na ako. Akala ko maayos na ang lahat sa buhay ko. It's so unfair that life would still do this to me. Pero...pero gano'n siguro talaga. Everytime that life will give me something good, it will slapped me hard and kicked me. Like it's telling me to wake up....that everything's not real."


Exquisite Saga #1: Chianti CallahanWhere stories live. Discover now