Epilogue

57.2K 1.8K 196
                                    




EPILOGUE

CHIANTI'S POV

Tahimik na sumimsim ako sa tasa ng kape na hawak ko. Malamig na ang panahon dahil magpa-pasko narin. Kaya nga kahit saan ako tumingin napapalibutan na ng Christmas decorations ang paligid kahit ilang buwan pa naman bago ang pasko. Kahit pa dito sa Aroma Cafe', ang paborito naming coffee shop ng mga kaibigan ko.

Bahagyang tumaas ang kilay ko ng mamataan ko si Asti na hindi katulad dati na malamang ay busy sa pag kwenta ng kung ano-ano ay nanatiling nakatingin lang sa paligid na parang may malalim na iniisip pero pangiti-ngiti. Si Syrah naman ay nakatutok ang atensyon sa cellphone niya at paminsan-minsan ay napapangiti din na parang natutuwa sa kausap niya. At si Rousanne naman ay umiinom lang din sa hawak niya na frappe pero nagniningning ang mga mata.

"So anong meron at nandito tayong lahat?" pagkaraan ay basag ni Rous sa katahimikan.

Nag-angat ng tingin si Syrah mula sa cellphone niya, "Ang itanong mo kamo eh anong meron at si Chianti pa ang nagkusang mag-aya."

Napapailing na lang ako sa kanila. Kung dati kasi malamang sa hindi ay kulang kaladkarin na nila ako palabas sa lungga ko para lang lumabas ng bahay. Sa sobrang anti-social ko at sa katamaran ko, malamang sa hindi dapat ay late ako kapag nag-aya sila. Pero apat na taon narin kasi ang lumipas. Marami ng nabago. Marami ng nangyari.

Nakakatuwang isipin na sobrang dami na ang nangyari sa buhay namin pero nandito parin kami. Magkakasama, buo, at matatag parin. Hindi naman naging madali para sa amin ang lahat. May pagkakataon na binabalikan parin kami ng multo ng nakaraan. But we have each other and a lot of people to push us and guide us so we can stand up no matter how many times we fall.

"For your information, hindi ako ang nakaisip na magkita tayo ngayon. Ako lang ang nag-aya pero hindi ako ang promotor." sabi ko at inginuso si Asti. "Tanungin niyo 'yan kung anong meron."

Imbis na sumagot sa amin ay nangingiting tinawag ni Asti ang waiter na kaagad namang lumapit sa amin. "Yes, ma'am?"

"Pakidalhan naman kami ng isang buong classic chocolate cake." sabi niya sa lalaki. Nang tumango ang lalaki at tumalikod para kunin ang order ni Asti ay binalingan niya kami. "Sagot ko."

Napuno ng tuksuhan ang table at natatawang pumalakpak pa ako. Bihirang-bihira kay Asti ang manlibre dahil kahit maayos na ang buhay niya ngayon ay talagang personality niya na talaga ang pagiging matipid niya.

Ilang sandali lang ay dumating ang waiter na may dalang isang buong cheesecake. May pigil na ngiti sa labi ng lalaki nang I-abot ang kutsilyo kay Asti bago niya kami muling iniwan. Nagkatinginan kami ng iba pa naming mga kaibigan pero naagaw ni Asti ang atensyon namin nang hatiin niya ang cake sa mismong gitna. Inusog niya gamit ng kutsilyo ang cake para mahati sa dalawa at lahat kami ay napanganga sa nakita.

May dalawang kulay sa loob ng cake.

Bago pa kami makahuma ay may nilabas si Asti sa bag niya at pinag-aabot samin 'yon na tulalang tinanggap naman naming lahat. "Obviously hindi mutant ito kaya hindi ko pa alam sa dalawang 'yan kung alin diyan ang gender. Pero iniinvite ko na rin kayo ng maaga dahil gusto ko prepared kayo sa magiging regalo niyo sa inaanak niyo."

Napuno ng tilian ang kinaroroonan namin at halos sabay-sabay namin siyang sinugod ng yakap. Napuno ng luha ang mga mata ko at nakita kong gano'n din ang mga kaibigan ko na tumutulo na ang mga luha mula sa mga mata nila. I looked straight into Asti's eyes and hold her hand tight.

She deserves all the happiness. Sa lahat ng ginawa niya para sa amin at para sa iba pa.

Years ago we all sat here with the nightmares just behind us...lurking and waiting for a chance to claw at us. Noon habang kaharap ko sila, paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na may 'mas' silang deserve. That we all deserve more. That we all deserve better.

Exquisite Saga #1: Chianti CallahanWhere stories live. Discover now