Kabanata 1

40.2K 584 72
                                    

Kabanata 1
Tulong

----------

"MJ, pabili nga ng bibingka." ani Gudo. Isang tambay na madalas bwisitin ang araw ko.

"Hoy Gudo! Wag mo kong pinaglololoko, pwede ba? May nakikita ka'ba na bibingka sa binibenta ko? Turon, banana cue, camote cue at samalamig lang ang tinitinda ko."

Nakakabwisit talaga 'tong si Gudo. Hindi lang pala siya, kung di lahat ng lalaki sa buong mundo. Nakakabwisit sila. Perwisyo sa buhay naming mga babae.

"Kalma lang MJ my loves, gusto ko lang naman na pansinin ako ng isang magandang dilag na katulad mo." Sinuklay niya ang kamay niya sa buhok niya kasabay ng pag kindat niya sa akin.

"O ayan pinansin na kita, uwi na! Di ka naman bibili. Tatambay ka lang dito."

"Grabe ka naman MJ my loves, paano kung bibili ako sayo?" Nakanguso niyang tanong. Nagpapacute ba siya?

"E di bumili ka. Hindi yung puro ka dakdak dyan! Kung bumibili ka nga sana, e di natuwa pa ako."

Nagkamot siya ng ulo at ngumiti. Magaganda ang ngipin niya, pantay-pantay yon at kumpleto. Naninilaw nga lang.

"Wala akong pera e, next time nalang." aniya.

"Alam mo kasi Gudo, imbes na patambay-tambay ka dito, bakit di ka tumulong sa nanay mo na magtinda ng isda sa palengke. Mag banat ka naman ng buto. Ang tanda mo na at ang laki naman niyang katawan mo, pero di ka man lang magtrabaho. Mahiya ka naman sa nanay mong araw-araw kumakayod para mapakain ka. Kung tutuusin, ikaw na dapat ang naghahanap buhay sa inyo. Nakakahiya ka! Kaya walang pumapatol sayo kasi napakawalang kwenta mong lalaki. Puro ka inom, sugal-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita kong nawala ang ngisi ni Gudo at nagdilim ang kanyang anyo. Ang mga mata niya ay naningkit.

Naku po! Di naman siya galit diba?

Nagkukuyom na ang mga kamao niya at nanlilisik ang mga mata sa akin. Ano mang oras ay maaaring bigla nalang niyang itaob ang mesa na pinaglalagyan ng mga paninda ko. Ang hard ko naman kasi sa kanya, pero gusto ko lang naman din na maging kapaki-pakinabang siyang nilalang ng earth, nakakaawa naman yung nanay niyang si Aling Tinay na kahit matanda na ay nagtatrabaho parin. Sa tantya ko ay nasa setenta o otchenta na yata iyon.

Aktong itataob na ni Gudo ang mesa ng may biglang dumaan na kotse. Sa bilis 'non ay tumilansik ang putik na nasa harapan namin ni Gudo, at dahil nakaharang siya sa paninda ko ay siya ang natalansikan.

Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig niya sabay habol sa kotseng itim. As if naman na mahahabol niya. Tatawa-tawa kong pinanood si Gudo na hinahabol ang kotse. Pinagmumura niya pa ang driver 'non, pero di man lang siya hinintuan nito. Kawawang Gudo.

Salamat sa driver ng kotseng iyon dahil hindi naituloy ni Gudo ang pagtatangka niyang itaob ang mesa na pinaglalagyan ng mga paninda ko. Nalipat pa ang galit ni Gudo sa kanya.

Kahit na wala na ang kotse ay walang tigil parin sa pagmumura si Gudo. Kinakantyawan naman siya ng mga tricycle driver na nakatambay.

"Gudo, magpalit ka na ng damit mo. Bawas na bawas na ang kagandahang lalaki mo."

"Oo nga Gudo, lalong hindi mo mabibingwit ang puso ni MJ niyan."

Hinubad ni Gudo ang puting t-shirt na suot niya.

Infairness, maganda talaga ang katawan niya. Ewan ko lang kung paano niyang nahubog yon, e hindi ko nga siya nakikitang nagbubuhat ng mabigat. May mga bitak sa tyan niya at naglalakihan ang muscles sa mga braso niya. Pawisan ang katawan niya kaya nangingintab ang moreno niyang balat. May itsura din naman itong si Gudo, may mangilan-ngilan ngang babae ang may gusto sa kanya. Kung sa kakisigan may ibubuga talaga siya. Sa ugali naman ay bagsak na bagsak siya. At dahil iyon ang tinitignan ko sa isang lalaki. Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa kanya.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Where stories live. Discover now