Kabanata 30

12.8K 269 13
                                    

Kabanata 30
Disappointed

----------

Hindi kami magkasabay na pumasok ni Isaiah ngayon dahil mas unang magsisimula ang klase niya. Thursday kasi, kaya naman mag-isa akong dumating ng Clavery University.

Habang naglalakad ako papunta sa art department ay nagtataka ako dahil napapatingin sa akin ang bawat estudyanteng makakasalubong ko. Nagbubulungan naman ang ibang madadaanan ko.

Huminto ako sa paglalakad at dali-dali kong kinuha ang maliit kong salamin sa bag para tignan kung may dumi ba ako sa mukha, para tignan ako ng ganon ng mga kaeskwela ko. Pero ng makita kong wala naman akong dumi sa mukha ay mas lalo akong nagtaka.

"Siya yung kasama ni Isaiah dun sa video." Dinig kong sabi ng isang babae sa kausap nito.

"She's probably one of his new toy. Poor girl at talagang pinapakalat pa ang kalandian niya."

Anong video ang pinagsasasabi ng mga to?

Kinakabahan akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa classroom namin. Pagpasok ko ay masasamang tingin naman ng mga kaklase ko ang bumungad sa'kin.

"MJ, anong ibig sabihin ng video na yon?" Pambungad na tanong ni Beverly sa akin ng lapitan nila ako ni Daphne.

"Alin?"

Itinapat sa akin ni Daphne ang cellphone niya at napatakip ako ng bibig ko pagkakita ko sa video na mukhang kuha sa isang cctv camera kung saan naghahalikan kami roon ni Isaiah, malinaw ang cctv at naka zoom in ang video kaya kitang-kita ang mukha namin ni Isaiah.

"Sinong nagkalat niyan?" Napapatiim bagang ako habang itinatanong yon. Naikuyom ko rin ang mga kamay ko dahil sa unti-unting galit na nararamdaman ko.

"Akala mo kung sinong inosente. Malandi rin pala." Narinig kong sabi ng isa sa mga kaklase kong babae.

"Siguro nung huling araw nakunan ang video na yan, kaya nung kinabukasan puyat na puyat ka. Nag-enjoy ka ba kay Isaiah, MJ? Napagod ka ba ng gabing yon?" Nakangiti at tila nang-iinis na tanong naman ni Loraine.

"Walang nangyari sa amin."

"Oh really? Come on, don't fool us. You're in a one room with Isaiah Chadrick Fontanilla. Anong ginawa niyo ron? Naglaro? Aminin mo nalang kasi, that you're one of his whore now. Congrats." Sarcastic pang sabi ni Loraine,

"Hoy Loraine! Mag-ingat ka sa pananalita mong babae ka. Ingungud-ngud kita dyan!" Banta naman ni Daphne kay Loraine habang dinuduro niya ito. Nakahawak naman kami ni Beverly sa braso ni Daphne para pigilan siyang makalapit kay Loraine.

"Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko. Your friend is a whore now."

"Nagkakaganyan ka dahil patay na patay ka kay Isaiah!" Sabi naman ni Beverly.

"And so? At least I'm not a whore. And maybe I'm obsess with him, pero hinding-hindi ako magpapagamit sa kanya, kasi alam naman natin kung sino talaga ang gusto niya. Unless magbago ang isip niya at sabihin niyang ako talaga ang mahal niya."

"Wala ngang nangyari sa amin e! Mali ang iniisip niyo."

"What is happening here? Huh?"

Bigla kaming nagsiayos ng upo ng dumating ang professor namin sa aming first subject. Nagkatinginan nalang kami ni Loraine ng masama at hindi na umimik pa.

Naging tahimik at payapa ang buong klase namin. Hanggang sa matapos ang ikalawang subject namin at dumating ang lunch break.

"So, walang nangyari sa inyo non? Nagkwentuhan lang kayo habang magkatabing nakahiga sa kama? That's imposible!" ani Daphne habang naglalakad kami papunta sa Cafeteria.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon