Kabanata 24

13.9K 308 41
                                    

Kabanata 24
Gusto ko

----------

Alas syete palang ng umaga ay nagising na ako, balak ko sana magsimba pero ang sakit ng ulo ko. Eto na ba yung tinatawag nilang hangover?

Pakiramdam ko mababasag ang bungo ko sa sakit ng ulo ko. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at nagpunta sa CR.

Ang bigat-bigat pa ng katawan ko habang pikit mata akong nagsisipilyo. Hanggang sa bigla akong may naalala na tila gumising sa natutulog kong diwa.

Tumigil ako sa pagsisipilyo at tinignan ang sarili ko sa salamin.

"Bakit ako nakapantulog? Sino ang nagpalit sa'kin?"

Agad kong binilisan ang pagsisipilyo, pagkatapos ay nagpalit ako ng damit at saka ako bumaba.

"Good Morning po, sir." Bati ko kay sir Jeremy na nasalubong kong may dala-dalang tasa ng kape.

"Magandang umaga rin. Hindi ka ba magsisimba ngayon?" Tanong niya.

"Ah, hindi po. Masakit po kasi ang ulo ko."

"Hangover?"

Alanganin akong tumango sa kanya.

"Siguro masyado kang nagsaya sa party kagabi. Sabay daw kayong umuwi ni Isaiah kagabi?"

"Ah, opo yata." Nahihiya akong napayuko.

"Mabuti naman. Naroon siya sa kusina, kagigising lang din niya at naghahanap ng gamot sa hangover."

Tumango lang ako sa kanya at saka siya naglakad na palayo sa akin.

Mabilis naman akong naglakad naman ako patungo sa kusina at doon ay naabutan ko si Isaiah na nakaupo sa isa sa mga counter stool at nakikipag kwentuhan kay ate onay at ate Carlota.

Napalingon siya sa akin pagkarating ko, napatingin din sa akin si ate Onay at ate Carlota.

"Kain na, MJ." alok ni ate Carlota.

"Good Morning, Magnolia." Nakangiti namang bati ni Isaiah, habang hawak niya ang isang puting tasa at saka siya humigop doon.

"Good Morning sa inyo." sagot ko habang hinihilot ng isang kamay ko ang aking sintido.

"Hangover?" Nakangiting tanong ni Isaiah. "Here." Inabot niya sa akin ang isang puting tableta ng gamot na agad ko namang kinuha.

"Ngayon alam mo na kung gaano kasarap magkaroon ng hangover." Sarkastiko niyang sabi. "You want coffee? Ipagtitimpla kita."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit parang napaka caring niya sa akin ngayon? Ano bang nangyari kagabi?

"Ako na ang magtitimpla sa'kin. Siya nga pala, sinong nagpalit ng suot ko kagabi?"

"Ako ang nagpalit sayo." ani manang Lupe na biglang pumasok mula sa back door galing sa likod bahay.

Gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ko dahil si manang naman pala ang nagpalit ng pantulog sa akin. Hindi ko kasi talaga alam ang magiging reaksyon ko kapag si Isaiah ang gumawa nun.

"Tinawag kasi ako ni Isaiah kagabi, nagpapatulong na palitan daw kita ng damit dahil puro ka suka kagabi." dagdag pa ni manang.

"Nasukahan mo pa nga ako." nakangiting sabi ni Isaiah.

"Sorry."

"Nag-enjoy ka ba masyado sa birthday party ng future girlfriend ni sir Isaiah?" Nakangising tanong naman ni ate Carlota na hindi ko mawari kung nang-aasar ba o ano.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Where stories live. Discover now