Kabanata 8

16K 317 19
                                    

Kabanata 8
Mi Paraiso

----------

Giniginaw na ako kaya umahon na ako sa tubig. Katatapos lang din namin mag volleyball at talo ang boys.

"Nice ass."

Dinig kong sabi ni Herson. Pero hindi ko alam kung sino ang sinabihan niya dahil nakatalikod ako non.

Pagpunta ko sa pool chair ay kinuha ko ang roba at isinuot yon at saka ako umupo. Nakita ko naman si Isaiah na umahon narin sa tubig at nakasimangot na naglalakad palapit sa akin.

"Umuwi ka na. Ihahatid na kita." aniya.

"Pinaaalis muna 'ko?"

Tumabi siya sa akin at bumulong.

"Ayokong mag-away kami ng kaibigan ko. Dahil hindi ko gusto ang mga tingin niya sayo, Magnolia."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at pasimple akong napatingin sa pool kung saan naroon ang mga kaibigan ni Isaiah at nahuli kong nakatingin sa amin si Herson na nakaupo sa pool side sa kabila, bigla pa nga siyang nag-iwas ng tingin.

Siya ba ang tinutukoy ni Isaiah? Pero kanina lang nalaman kong girlfriend niya si Queen.

Napailing-iling nalang ako.

Ang mga lalaki nga naman. Hindi makuntento sa isa. Mayroon na nga, tumitingin pa sa iba. Ang sarap tusungin ng mga mata ng mabulag na at ng wala ng makita pa.

"Let's go, I'll take you home." pang-aaya sa akin ni Isaiah.

Tumayo naman ako at naglakad na. Nagulat naman ako ng akbayan niya ko, kaya siniko ko agad siya at sinamaan ng tingin. Tinanggal naman niya agad ang kamay niya sa balikat ko.

Pagkatapos naming makapagbanlaw at makapagbihis ni Isaiah ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan niya.

"Ingatan mo si Magnolia, Isaiah." ani Herson na nakaakbay pa kay Queen at pangisi-ngising nakatingin sa akin.

"Ingatan mo rin si Queen." Sabi naman ni Isaiah habang seryoso siyang nakatingin sa kaibigan.

Nagpaalam narin ako kay donya Amparo at senyora Alejandro pagkatapos kong makapagpaalam sa mga kaibigan ni Isaiah.

"Magnolia. Next week, be ready. Bago matapos ang piesta." Paalala pa sa'kin ng matandang Fontanilla.

"Opo."

"Dito nalang!"

Hininto ni Isaiah sa tapat ng bahay namin ang kotse niya at ng akmang bababa na ako ay pinigilan naman niya ako ng hawakan niya ang braso ko.

"I'll fetch tomorrow."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Susunduin mo ko? Bakit anong meron?"

"Basta." Nginitian niya ako at binitawan ang braso ko at saka ako lumabas na ng kotse niya.

Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si nanay, ate at Pearl na nanonood ng TV. Kinamusta nila ako agad sa naging usapan namin ni donya Amparo at nagkwento naman ako sa kanila. Halo ang naging emosyon ni nanay, natutuwa siya at nalulungkot. Ganoon rin si ate Celine. Natutuwa sila dahil matutupad na raw ang pangarap ko, makakapag aral na ako at sa magandang eskwelahan pa. Nalulungkot naman sila dahil mawawalay ako sa kanila. Ang nalalapit kong pagluwas sa maynila ang unang beses na magkakahiwalay kami ng pamilya ko, kaya bago talaga sa akin ang ganitong sitwasyon. Nangako naman akong susulat sa kanila tuwing biyernes. Wala naman kasi kaming cellphone kaya iyon lang ang tangi naming magiging komunikasyon. Siguro pag nakaipon na ako ng pera ay bibili na ako ng cellphone at bibilhan ko rin si nanay para mapadali na ang komunikasyon namin.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon