Kabanata 47

12K 239 12
                                    

Kabanata 47
Kapalit

----------

Tatlong araw bago magbakasyon ay bumyahe ako sa Ashralka. At hindi ko iyon ipinaalam kay Sebastian o kay Beverly man. Wala sa mga kaibigan ko ang nakakaalam ng pag-alis ko. Tanging mga professors lang namin ang nakakaalam, dahil sinabi ko sa kanila ang totoo na may aasikasuhin ako sa Ashralka, para bago magpasukan ay makaalis na ako papuntang italy. Nakompleto ko narin naman na ang mga requirements ko ngayong first year, kaya wala na akong poproblemahin. Grades ko nalang ang hihintayin ko.

Alas singko ng umaga ako bumyahe patungong Ashralka at alas diyes ako nakarating sa El Ciero.

Agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap nila nanay pagdating ko. Ako naman ay naluluha silang nakita, bukod kasi sa na miss ko sila, pakiramdam ko ay nagsusumbong ang damdamin ko sa kanila dahil sa umaapaw na emosyong nararamdaman ko na halos gusto ng kumawala.

"Hayop din yung lalaking yon no? Pati ako naloko niya na mahal na mahal ka nga talaga niya. Pero ngayon, anong nangyari? Nawala ka lang ng ilang araw sa maynila. Naghanap na siya ng ibang babae at inanakan pa."

Gusto kong ipagtanggol si Isaiah kay ate habang minumura at kinasusuklaman siya ito, habang magkausap kami sa harap ng bahay.

Kahit ako galit na galit din kay Isaiah ng mga oras na nalaman kong may nangyari sa kanila ni Daphne, pero habang tumatagal ay nauunawaan ko siya. Na ako talaga ang mahal niya at marahil nadala lang talaga siya ng tukso noon. Kaya lang, kahit hindi niya ginusto yon, may nangyari parin sa kanila at matatawag parin yong panloloko dahil ako ang girlfriend niya 'nun.

"Mabuti nalang talaga at walang nangyari sa in-"

"May nangyari sa amin." Pag-amin ko.

"Ano?" Kunot ang noo na tanong ni ate.

"Patawarin mo'ko ate. Pero may nangyari na sa amin, bago mo ako balaan nun. Natakot nga ako na baka magbunga yon, but thank God. Kasi hindi. At ngayon, malaya akong matutupad ang pangarap ko." At saka ako tumingala at sinundan ng tingin ang mga ibon na sabay-sabay na lumilipad sa himpapawid.

"Salamat talaga sa diyos. Kasi baka mapatay ko na yung Isaiah na yan kapag nabuntis ka niya at nabuntis niya rin yung impakta mong kaibigang mas makati pa sa higad. Kahit mabulok ako sa kulungan, MJ. Maganti lang talaga kita sa hayop na'yon."

"Mahal ko siya ate. Binigay niyang lahat sa'kin, nakita ko kung paano siyang unti-unting nagbago. Kung paano siyang nagsisi sa kasalanan niya. Tatanggapin ko na sana siya ulit e. Kaya lang, may darating palang magpapaunawa sa aming dalawa, na wala ng pag-asang magkabalikan pa kami." Napayuko ako at naitakip ko ang kamay ko sa aking bibig para pigilan ang pag-iyak ko.

Ihinilig naman ni ate ang ulo ko sa balikat niya.

"Ate, mahal ako ni Isaiah. Ramdam ko yon, kaya lang talaga. Hindi yata kami talagang para sa isat-isa."

"Hayaan mo, makakalimutan mo rin siya. Hindi siya ang lalaking para sayo, tandaan mo yan. Sa ngayon ay ang kailangan mong gawin ay mag focus ka sa magiging bagong takbo ng buhay mo."

Pagkatapos ipakita sa akin ni nanay ang ilang requirements ko na kakailanganin sa pagkuha ng passport at visa, kung saan ito rin ang isa sa dahilan ng pagpunta ko rito sa Ashralka.

Inaya naman ako ni ate na maligo sa sapa. Para makalimutan ko raw ang mga problema ko. Akala ko nga makakalimot ako pero, imbes na makalimot ay lalo ko lang naaalala si Isaiah.

Nagpunta kasi kami ng sapa nung huling punta ko rito. Ang saya-saya pa namin ng maligo kami rito, kung paano ako maakit sa magandang katawan ni Isaiah na nababasa ng tubig. The way he move sexily, habang sinusuklay niya ng kamay niya ang kanyang buhok.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Where stories live. Discover now