Kabanata 9

15.5K 316 21
                                    

Kabanata 9
Kanin

----------

"Tara na, Isaiah. Pumunta na tayo sa bahay niyo. Giniginaw na 'ko."

Tumango siya sa akin at sabay kaming lumangoy papunta sa mababaw na bahagi ng dagat. Nauna akong makaahon at ng harapin ko si Isaiah at magtama ang paningin naming dalawa. Nakita ko kung paano umawang ang bibig niya habang nakatingin sa akin, nakita ko pang gumalaw ang adams apple niya ng lumunok siya.

Nagtaka ako sa reaksyon niya kaya napakunot ang noo ko, pero inisip kong baka wala lang yon kaya nanatili lang akong nakaharap sa kanya at hinihintay siya, pero ang bagal naman niyang umahon at parang nakatingin siya sa katawan ko?

Nagtaas ako ng isang kilay dahil sa naisip ko, at napatingin sa suot ko na basang-basa, at saka ko napagtanto na bumabakat pala sa puti kong blouse na manipis ang bra kong kulay asul.

Nanlaki ang mga mata ko at agad kong pinag-ekis ang mga kamay ko at hinarang doon, 'tsaka ako tumalikod sa kanya. Ramdam ko ang pag-akyat ng mga dugo ko dahil sa hiya.

Hindi naman talaga ako yung tipo ng probinsiyana na sobrang conservative. Kaya ko nga na magsuot ng swimsuit na two piece bikini, pero hindi ko alam kung bakit ng mga oras na 'yon ay nakaramdam ako ng pangamba sa katawan ko, siguro dahil kami lang ni Isaiah ang narito ngayon. Naisip ko kasi na paano kung makaisip siya ng kapilyuhan? Paano kung matukso siya at ako? Juskopo! Wag naman sana.

"Mauna ka na nga!" Inis kong sabi kay Isaiah.

Nasa unahan si Isaiah habang ako naman ay yakap-yakap ang sarili ko habang naglalakad kami papunta sa bahay nila dito sa Mi Paraiso.

Maya-maya pa'y natanaw na namin yon. Ang isang bungalow house na makabago ang desenyo dahil maraming salamin ang bahagi nito. Halos makita mo na nga ang kabuohan ng bahay, sa loob.

Pumasok na kami ni Isaiah sa loob at nagmamadali siyang naghanap ng mga roba.

"Here." Abot niya sa akin ng isang puting roba.

"Naroon ang bathroom sa dulo, sa may left side. Pwede ka ng magbanlaw." aniya.

Tumango ako sa sinabi niya at naglakad na patungo sa banyo.

Tulad ng banyo nila sa Villa Fontanilla. May shower din dito. Mayroon pa ngang bathtub na sa mga palabas ko lang nakikita, pero ngayon eto at kaharapan ko na. Nae-experience ko pa ang shower na matagal ko na talagang gustong subukan.

Makalipas ang ilang minuto ay nakalabas na ako ng banyo. Naabutan ko naman si Isaiah na nakaupo sa isa sa mga stool ng mini bar na narito at umiinom siya ng kape habang nakaroba. Sumisilip pa nga ang kanyang matipunong dibdib doon.

Teka nga, bakit ba napapansin ko pa yon?

Napabuntung hininga nalang ako at pumikit at saka ko pilit na binubura sa isip ko ang mapagnasang unti-unting lumalamon sa kaisipan ko.

"Isaiah, nasaan yung dryer niyo?"

"Akin na yung mga pinaghubaran mo, ako na ang maglalagay."

"Hindi!" Malakas kong pagtutol. Ano siya hilo? Ibibigay ko sa kanya ang mga pinaghubaran ko, nakakahiya kayang makita ng isang lalaki ang panty at bra ng babae. Lalo kung hindi naman kayo ganoon kalapit sa isat-isa. Napanguso nalang ako ng makita kong nagulat si Isaiah sa naging reaksyon ko sa sinabi niya. "A-Ako na." Mahinahon kong sabi sa kanya.

"Okay,"

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at naglakad siya. Sinundan ko naman siya, hanggang sa isang maliit na kwarto kung saan naroon ang malalaking washing machine at dryer nila.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Where stories live. Discover now