Kabanata 10

15.4K 323 15
                                    

Kabanata 10
Consequence

-----------

Dalawang araw na ang nakakalipas ng magpunta kami ni Isaiah sa Mi Paraiso. Nakauwi naman kami ng maayos nun, pero hindi na nawala ang pagkaligalig ng damdamin ko sa kanya, dahil yon eksenang kinuha niya ang kanin sa gilid ng bibig ko at isinubo niya iyon.

Ewan ko ba, pero kakaiba talaga ang epekto ng ginawa niyang 'yon sa akin. Nangingilabot ako na di ko maintindihan. Hanggang ngayon nga, malinaw na malinaw parin sa ala-ala ko, at paulit-ulit ko parin na nakikita ang eksenang yon sa utak ko.

Ngayon ay hindi ako magtitinda dahil narito kami sa bahay nila Dayday. Magkaibigang matalik si nanay at ang nanay ni Dayday na si Aling Tess kaya dito na nagpasyang magluto ni nanay ng specialty niyang kare-kare na isa sa mga ihahanda para sa salo-salo namin mamayang tanghali. Mahirap naman kasi kung doon pa magluluto sa bahay namin na malayo sa mga bahay na narito. Fiesta kasi ngayon dito sa El Ciero at syempre, tradisyon na talaga rito na kapag fiesta ay naghahanda kami at nagsasalo-salo. Ilang baboy nga ang kinatay kagabi at ngayon ay nililitson na.

Halos lahat yata ng tao ngayon dito ay busy, maging ang mga bata na tumutulong rin sa maliliit na gawain. Masayang-masaya sila at halatang nasasabik sa mga mangyayari mamaya.

Maraming hinandang palaro para mamaya. Tulad nalang ng palosebo, palayok, pabitin, sock race, agawan lubid, trip to jerusalem at ang paghuli ng biik, para sa mga kalalakihan.

Magarbo talaga tuwing fiesta rito, kahit walang pera maghahanda. Para kasi sa aming mga Ashralkan na taga El Ceiro, ang paghahanda ay tanda ng pasasalamat namin sa poong may kapal, tanda rin yon ng magandang buhay para sa bayan namin.

"Jusko! Nasasabik na ako mamaya sa pagdating ng mga Fontanilla. Nasasabik akong makita si Isaiah. Kahit na babaero yon, saksakan naman ng gwapo nun." ani Dayday habang hinahalo niya sa malaking kawali ang sauce ng spaghetti.

"Kamusta naman si Zenda? Naka-move on na ba yon?" Tanong ko naman sa kanya habang sinusuri ang pastang pinapakulo ko sa mainit na tubig na inilagay ko sa malaking kaldero.

"Oo, pero type niya parin si Isaiah at gusto parin daw niyang magpatusok."

"Ano?" Bulalas ko habang nanlalaki ang mga mata. "May pagka kiri din talaga yang si Zenda ha, pagsabihan mo naman yang kaibigan mo. Maganda nga bobita naman."

"Grabe ka naman."

"Ay sorry. Bestfriend ka nga pala niya." Sarcastic akong ngumiti sa kanya.

"May pagka bobita nga si Zenda, pero hindi ko naman siya masisisi kung patay na patay parin siya kay Isaiah. He's hot, he's perfect. Kahit nga yata di ka pa ready na magkaanak, pag nakita mo siya. You'll set a side that thought at ihahain mo nalang bigla ang sarili mo sa kanya, para anakan ka." Tila nananaginip ng gising na sabi pa ni Dayday.

Nangilabot naman ako sa sinabi niya. "Siguro ganyan ang nasa isip niyo, pero ako. Hinding-hindi ako magpapakatanga sa isang babaerong tulad niya."

"Hay naku! Ano pa bang aasahan ko sayo, e man hater ka. Siya nga pala...nakita mo na ba si Isaiah? Kasi kung hindi pa. Ay nako day, sinasabi ko sayo. Kakainin mong lahat ng sinabi mo."

Nginitian ko naman siya. "Well actually, ilang beses ko na siyang nakikita at ilang beses ko narin siyang nakakausap. Ang totoo nga niyan, sinama niya pa ako sa Mi Paraiso, two days ago."

Napatakip siya ng bibig ng marinig ang sinabi ko. Bakit ko nga ba kasi sinabi 'yon? Bakit ipinagmalaki ko pa na ang pagiging malapit ko na kay Isaiah?

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo, MJ? O nangangarap ka rin ng gising tulad ko? Wag mong sabihing pantasya mo rin si Isaiah? Umamin ka nga!" Siniko niya pa ako at mapanuksong nginitian.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon