Kabanata 34

14.5K 266 39
                                    

Kabanata 34
Dayami

Spg!!

----------

Alas onse na ng gabi ng mag bonfire kami sa tabing dagat. Tulog na si Pearl kaya iniwan na muna namin siya sa loob ng bahay.

Paikot kami ngayong nakapalibot sa maliit na bonfire at nag iihaw ng marshmallow at hotdog.

Malamig kaya mga naka jacket kami. Dinig na dinig din namin ang malakas na hampas ng mga alon sa dagat.

"Papayag ka bang tumira dito ng one hundred days, Herson? Parang PBB lang." Tanong ni Isaiah habang nakaakbay siya sa akin, kasunod ng pagtungga niya sa bote ng beer na hawak niya.

"No way. Ngayon pa ngalang naboboring na ako. Ilang oras lang ang kaya kong itagal sa ganitong klaseng lugar. Baka mabaliw ako kapag isang daang araw pa akong nanatili rito." ani Herson. "Diba, babe? Okay lang kung kasama kita." Dagdag niya pa kay Queen na kaakbay niya rin. Hinalikan niya pa ito sa pisngi.

"Nako! Baka nga pagsawaan mo ko e." Sabi naman ni Queen.

"O sige, pagpalagay na natin na kasama mo si Queen, tapos one hundred days kayo rito. Papayag ka?" Tanong naman ni Dave.

"Pwede. Basta, lagi niyo akong su-suplayan ng condom."

"What the fvck man, ang hilig mo talaga!" Sabay bato ni Martin ng marshmallow sa mukha ni Herson.

Tumatawa namang nagdahilan si Herson. "Kumbaga sa enervon, hindi kumpleto ang araw ko kapag walang ganon."

"Eww! Kadiri ka, Herson. sex maniac!" Sabi naman ni Danica.

"E bakit ikaw, Isaiah. Kaya mo bang tumira dito ng one hundred days?" Tanong naman ni Herson.

"Kahit forever pa. Basta kasama ko si Magnolia."

Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya, at halos magdikit na ang mga mukha namin ng paglingon ko ay nakatingin din pala siya sa akin.

Para akong nahipnotismo ng mapatingin ako sa magaganda niyang mata. Nagwawala rin ang puso ko sa loob ng dibdib ko, dahil sa makapigil hininga niyang tingin.

"Hoy! Nandito pa kami." Pukaw pa sa amin ni Danica.

Hinalikan naman ako ni Isaiah sa noo ko at saka ako humilig sa balikat niya.

"Next time kasi, kung sasama ka sa amin Danica, isama mo yung boyfriend mo." Tatawa-tawang sabi ni Isaiah.

"Hindi ko isasama yon dahil alam kong pagkakaisahan niyo yon."

"Anong pagkakaisahan? Ang babait naman namin para gawin yon." ani Dave.

Inirapan naman siya ni Danica.



Alas otso ng umaga ay umalis na kami sa Mi Paraiso at inihatid narin namin si Pearl sa bahay, dahil baka mapagod lang siya sa dami naming pupuntahan ngayong araw kung sasama siya. Ipapasyal kasi namin ang mga kaibigan namin sa ibat-iba pang lugar dito sa Ashralka.

Bago magsimula ang pamamasyal namin ay dinaanan muna namin si Dayday na kagabi ko pa tinext na isasama namin siya sa pamamasyal.

Paghinto namin sa bahay nila Dayday ay nagtitinginan sa amin ang mga kapitbahay nila at mga taong naglalakad sa daan.

"MJ!" Sigaw ni Dayday pagkakita niya sa akin.

Agad niya akong niyakap ng mahigpit at nagtatalon sa tuwa.

"Infairness medyo pumuti ka! At mas lalo kang gumanda!"

Pinasadahan ni Dayday ng tingin ang mga kasama ko at saka siya bumulong sa akin.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon