Kabanata 40

14.7K 261 14
                                    

Kabanata 40
Naked

SPG!!

----------

Kinabukasan ay maagang umalis sila nanay pabalik ng Ashralka. Magkasabay naman kaming pumasok ni Isaiah.

Pagdating namin sa Clavery ay may mangilan-ngilan akong schoolmate na binabati parin ako ng happy birthday. Hindi ko alam kung kanino nila nalaman na birthday ko kahapon, malamang ay sa mga kaibigan namin ni Isaiah, dahil panay ang kuha nila ng pictures kahapon. Ipo-post daw nila sa facebook at instagram na hanggang ngayon ay wala parin akong account sa mga social site na'yon.

Habang papunta kami ni Isaiah sa art department building.

Napakunot ang noo ko ng salubungin kami ni Sebastian na nakangiti at may hawak na paper bag.

Napaangat ako ng tingin kay Isaiah para tignan ang reaksyon niya at nakita ko siyang masama ang tingin kay Sebastian.

"Good Morning." Bati sa amin ni Sebastian.

"Tumabi ka sa dadaanan namin." ani Isaiah. Kalmado ang pananalita niya, pero halata sa mga tingin niya na naiinis siya.

"Isaiah, wala akong balak na pormahan si Magnolia. I just want to give it to her." Itinaas niya ang paper bag na hawak niya. "Magnolia, para sayo. It's my belated birthday present."

Tinignan ko muna si Isaiah bago ko kinuha ang regalo ni Sebastian. Hindi ko talaga siya kayang tanggihan. Tinanggihan ko na nga ang pag-ibig na inalok niya sa'kin. Pati pa ba itong regalo niya sa akin?

"Salamat." Alanganin akong ngumiti sa kanya.

"Isaiah, binibigay ko kay Magnolia ang regalo ko sa kanya ng nakikita mo, hindi dahil gusto kitang inisin. Ang totoo ay gusto kitang i-assure na wala kaming ginagawang masama, na wala akong balak na sulutin sayo si Magnolia. Sumuko na ako ng sabihin niyang ikaw ang mahal niya, well hindi ko pa isinusuko ang feelings ko sa kanya, pero isinuko ko na yung pag-asang magiging akin siya." Tinapik ni Sebastian sa balikat si Isaiah "She's all yours." at saka ito naglakad na palayo sa amin.

"Ilang days nalang christmas vacation na! Anong plano niyo sa Christmas?" Masiglang tanong ni Daphne sa amin ni Beverly, habang nasa dulo kami ng library, kaya nga nakakapag-usap kami ng medyo malalakas.

"Baka magbakasyon kami sa Japan." ani Beverly.

"Ikaw, Magnolia?" Tanong naman sa'kin ni Daphne.

"Sa Ashralka ako magpapasko at bagong taon."

"Kasama si Isaiah?".

Umiling ako na ikinunot ng noo niya.

"Imposible. Diba, ayaw ng humiwalay sayo ng isang yon? Hindi niya hahayaan na pumunta ka ng Ashralka na hindi siya kasama, sasama yon for sure."

"Hindi ko alam. Hindi ko pa naman nasasabi sa kanya na doon ako magpapasko at new year e."

"Well, you have to tell him as soon as possible."

Pagkatapos naming mag research sa library. Paglabas na paglabas namin ay nasalubong ko naman si Mrs. Lamamigo na malapad ang ngiti sa akin.

"Magnolia, I have a good news fo you."

"Ano po?"

"Your four emotion painting have been chosen to be our school representative painting for the upcoming ccp art exhibit."

Gulat na gulat ako sa balita ni Mrs. Lamamigo. Hindi agad ako nakapag react, mas nakapag-react pa nga sa'kin si Daphne at Beverly na napatili pa at niyugyog ako.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon