Kabanata 25

13.3K 282 17
                                    

Kabanata 25
Reject

----------

Dahan-dahan akong kumalas sa yakap ni Isaiah.

"Hindi kita maintindihan, Isaiah."

Ipinamaywang niya naman ang isa niyang kamay at isinuklay niya ang isa sa buhok niya. Sinabunutan niya pa nga ang buhok niya at saka niya ako tinignan.

"Ewan ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ang alam ko lang, gusto ko na parati kang nasa tabi ko, Magnolia."

Napailing-iling ako sa dahilan niya. "Ewan ko sayo, Isaiah." Tinalikuran ko na siya dahil gulong-gulo narin ako sa mga sinasabi niya.

Ayokong umasa na may nararamdaman din siya para sa akin, pero hanggat hindi niya maipaliwanag ng tama yon. Iyon at iyon ang maiisip ko. At isang kalokohan yon kung paniniwalaan ko.

"Next week ay magkakaroon tayo ng 3 days fieldtrip sa Baguio. Required ang lahat na sumama dahil marami tayong activity na gagawin doon. Specially the painting activity, dalawang painting ang kailangan niyong gawin at ang makakakuha ng pinakamataas na grade sa painting na gagawin niyo ay may chance na mapasama ang painting niyo sa paparating na art exhibit. Kaya, kung hindi ka makakasama sa fieldtrip na'to ay siguradong marami kang ma-mimiss na activity na pwedeng magpataas sa grade mo. Lalo na kung tingin mo ay kailangan mong bumawi ngayong midterm dahil mababa ang nakuha mo sa prelim."

"Sasama talaga ako dyan!" Ani Daphne.

"Sumama ka, Magnolia ha?!" Sabi naman ni Beverly.

"Hindi ko alam, kailangan ko pang ipaalam kay donya Amparo ang tungkol doon."

Hindi naman ako gaanong nangangamba sa grade ko dahil puro pasado naman ang nakuha kong score sa prelim exam namin, pero kung sasama nga siguro ako sa fieldtrip ay mas lalong mawawala ang pangamba ko, may tsansa pang mapasama sa exhibit ang obra ko. Bata palang ako ay competitive na ako pagdating sa pagpipinta. Ilang poster making nga ang sinalihan ko nung elementary at highschool. Hindi nga lang parating nananalo, pero lagi ko namang ibinibigay ang 100% ko para manalo.

"Bukas ay pwede na kayong magbayad ng payment niyo and the deadline will be by the end of this week. For now, bibigyan ko kayo ng waiver. Pamirmahan niyo ito sa guardian niyo, palatandaan na pinapasama nila kayo sa fieldtrip, please lang ipabasa niyo. Walang manggagatong sa parents nila at walang mandaraya ng pirma."

Isa-isa na kaming binigyan ng art professor naming si Mrs. Lamamigo ng kanya-kanya naming waiver. Nakasulat doon kung magkano ang ibabayad kung sasama kami sa fieldtrip.

"Balita ko, may mga kasama tayong sophomore student. And I've heard that it will be Isaiah's section. Professor din kasi nila sa arts si Mrs. Lamamigo. If I heard it right, napakaswerte natin dahil makakasama natin si Isaiah." Sabi ng kaklase kong si Loraine na patay na patay kay Isaiah, nakaupo siya sa likuran ko at kinikilig.

"Kung makakasama natin ang section nila Isaiah, makakasama rin natin si Martin." Natutuwa namang sabi ni Beverly.

Mukhang nagiging malapit itong si Beverly kay Martin na isa sa mga kabarkada ni Isaiah. Sa pagkakaalam ko ay mas naging close si Beverly kay Martin, nung birthday ni Precious. Natatandaan ko pa nga na nagsayaw silang dalawa.

Pagkatapos i-announced ang tungkol sa fieldtrip, at matapos ang klase namin kay Mrs. Lamamigo. Hindi naman natapos ang kwentuhan ng mga kaklase ko at nitong dalawa kong kaibigan, tungkol sa fieldtrip.

"Ilang beses na akong nakapunta ng baguio, pero excited talaga ako ngayon!" ani Beverly.

"Ako rin. Hindi nakakasawa ang ambiance sa baguio." pagsang-ayon naman ni Daphne. "Ikaw Magnolia, excited ka rin ba? Diba ito ang unang tungtong mo sa Manila, before you came here, nakarating ka na ba ng Baguio? Madadaanan ba yon papuntang, Ashralka?" Tanong niya.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Where stories live. Discover now