Kabanata 16

12.9K 284 23
                                    

Kabanata 16
Kawawa ka naman

----------

Ikinuwento ko kay Sebastian ang mga nangyari at tahimik naman siyang nakinig. Hinayaan niya akong maglabas sa kanya ng sama ng loob, pakiramdam ko nga, pag hindi ko nailabas 'to ay hindi ako makaka-move on sa nangyari.

"He's wrong. Ganun talaga sila ng mga kaibigan niya, madalas nilang i-dare ang isat-isa, for fun. And most of the time, ang mga babae ang ginagamit nila. Pero marami ang hindi tumatanggi sa dare nila, because they wanted to play with them too." ani Sebastian, tumawa pa siya. "At nagkamali silang ikaw ang pinaglaruan nila. I actually like what you did. You're a badass, MJ. No one dared to do that before, lalo na kay Fontanilla because everyone loves him."

"Ang babastos kasi nila. Ang dami namang pwedeng i-dare, bakit ganun pa? Tapos, pinaglaban ko lang naman yung sarili ko, pakiramdam ko nga talo parin ako."

"Hayaan mo, kakausapin ko si Isaiah bukas."

"Wag na. Hayaan mo siyang makonsensya kung may konsensya siya."

Muling natawa si Sebastian sa sinabi ko. "Pwede ko rin siyang isumbong kay Precious. Sigurado, manghihingi agad ng sorry sayo yon."

Napataas ang kilay ko ng banggitin niya si Precious. "Close kayo ni Precious?"

Tumango naman siya sa akin ng nakangiti. Ayan na naman ang dimples niyang kay lalalim na tila nagpapapansin sa'kin.

"Teka nga, ano bang ginagawa mo rito?" Taas ang kilay kong tanong sa kanya ng may pagtataka.

"Tambayan ko'to, kapag wala akong magawa. Tahimik kasi rito at malakas pa ang hangin." aniya.

Pagkatapos namin mag-usap ni Sebastian ay inalok niya akong ihahatid sa classroom namin, tumanggi ako sa kanya pero hinatid niya parin ako.

Nagtataasan ang kilay ang mga babaeng nakakasalubong namin ni Sebastian, habang naglalakad kami papunta sa classroom ko, dahil siguro kasama ko si Sebastian. Nasa mukha naman niya na marami din ang babaeng may pagtingin sa kanya, siya ang student president kaya siguradong kilala rin siya, kaya nga panay ang bati sa kanya ng mga nasasalubong namin, ma'pa babae man o lalaki.

"I gotta go." Paalam niya sa akin ng nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom namin.

Tumango naman ako sa kanya. "Salamat pala sa oras."

"No problem, MJ. Bye!" Kumaway at ngumiti pa siya sa akin bago siya naglakad palayo.

Mabuti nalang at pagpasok ko sa loob ng classroom namin ay wala pang professor. Napatingin naman sa akin ang mga kaklase ko at ang mga babae ay taas ang kilay sa akin at masasama ang tingin, maliban kay Beverly at Daphne na sinalubong ako.

"How are you?" Halata sa mukha ni Beverly ang pag-aalala.

"Okay na'ko." Sagot ko naman.

Naupo kaming tatlo sa dulo. Ako sa gitna at sila sa magkabila kong gilid.

"Pagpasensyahan mo na sila, ganoon talaga ang mga yon. For sure naglalaro na naman sila ng dare game nung mga oras na'yon, at ikaw ang napagtripan nila." ani Daphne habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"Okay na sana ako nung nasagot ko si Isaiah, pero yung ininsulto niya ako. Ibang usapan na'yon."

"You unsult him too."

"Dahil naiinis ako sa kanya, Daphne . Pakiramdam ko, binabastos niya ako. Tama lang sa kanya 'yon!"

"Sana hindi mo nalang siya sinagot para wala ng away."

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon