Kabanata 44

12.4K 267 25
                                    

Kabanata 44
Frappé

----------

Kabibili ko lang ng makakain ko. Habang hawak ko ang aluminum tray na may lamang cupcake, sandwich at isang bote ng orange juice, pinagala ko ang paningin ko sa paligid para maghanap ng mauupuan.

"MJ!" Pagtawag sa akin ni Beverly na halos kanina ko pa hindi pinapansin. At muli ay hindi ko na naman siya pinansin, at mas minabuti ko nalang na maupo sa table na nasa sulok, sa may dulo.

Dahil sa mga nangyari, pakiramdam ko hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko ngayon sa mga taong nakapagilid sa akin. Hindi ko alam kung sino yung mga may lihim na motibong hindi maganda, para saktan ako.

Dahil sa pagtatraydor sa akin ni Daphne. Natatakot na akong magtiwala ngayon. Ganoon pala talaga kapag nasira na yung tiwala mo, mahihirapan ka ng magtiwala ulit.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni ate at ni nanay, pero naramdaman din kaya nila yung nararamdaman ko, na kahit anong pilit ko na kamuhian si Isaiah sa ginawa niya, hindi ko yon magawa. Kasi kahit galit ako, hindi ko parin maalis sa puso't isip ko kung gaano ko siya kamahal.

"Can I join you?"

Napaangat ang tingin ko kay Beverly na nakatayo sa harap ng mesa ko at nakangiti sa akin.

"Alam ko na ayaw mong makipag-usap ngayon at ayaw mong may makasama, pero bilang isang tunay na kaibigan. Nandito ako para samahan ka, Magnolia. Wag kang mag-alala kasi kung iniisip mo na may balak din akong masama sayo. Nagkakamali ka roon. Sa pamilya ng McKinley, lahat kami tapat na kaibigan. I guess."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Salamat, Bev. Sige na, maupo ka na."

"Thank you."

Pag-upo ni Beverly sa upuan na nasa harap ko. Hindi na ako umimik simula non, kumain nalang ako ng kumain.

"MJ, nagkausap na ba kayo ni Daphne? Kahapon nung hindi ka na pumasok. I talk to her at hindi ako makapaniwala na plano niya pala talagang sirain kayo ni Isaiah. Kahit ako na kaibigan niya na noon palang highschool, hindi ako makapaniwala na ganoon siya kapatay na patay kay Isaiah. I know that she has a crush on him, since highschool. Kahit nga ako, crush ko din si Isaiah. Pero hindi ko lubos maisip na ganoon siya ka obsess kay Isaiah, at nagawa niya tayong lokohin lahat, nagkunwari siyang okay lang sa kanya ang relasyon niyo ni Isaiah. Nakakainis pa nga kasi kung makapagsalita siya kahapon, para bang proud na proud pa siyang nasira niya kayo. Ang sama niya! Kaya pala kung makapagbabala siya sayo noon kay Isaiah ay wagas."

"Hayaan na natin siya, panalo siya."

"Pero MJ, mukha namang hindi talaga gusto ni Isaiah yung-"

"Beverly, please. Wag mo na siyang ipagtanggol."

"MJ, hindi ko siya pinagtatanggol. Gusto ko lang na sana pakinggan mo yung paliwanag niya."

"No, Bev. Kahit anong paliwanag niya. Lalabas at lalabas din sa tenga ko 'yon. No need for his explanation dahil hindi naman maibabalik nun ang ginawa niya. Kahit anong sabihin niya, Bev. Ginawa niya yon. Nagpatangay siya sa tukso kahit pa sabihin niyang hindi niya ginusto. Nadala parin siya ng kalibugan niya."

Unti-unti na namang nabalot ng galit ang puso ko, hindi dahil kay Beverly, kung di dahil sa nakita kong larawan ni Isaiah at Daphne na bumabalik na naman sa isipan ko.

Napapikit ako at napabuntung-hininga at saka tumayo sa kinauupuan ko.

"MJ, saan ka pupunta? I'm sorry if I open up that topic again."

"Hindi. Wala kang kasalanan. Pasensya na, Bev. Magpapahangin lang muna ako. Pwede bang pakitext mo si Martin at sabihin mong papuntahin niya si Isaiah sa rooftop. Gusto ko siyang kausapin."

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon