Kabanata 17

13.6K 303 18
                                    

Kabanata 17
Sexual Desire

----------

Isang linggo na ang nakalipas buhat ng magsimula ang pasukan. Kagagaling ko lang sa simbahan, dumiretcho narin ako sa post office at ipinadala ang sulat ko kanila nanay. Ilang gabi narin akong nangungulila sa kanila. At marami pang gabi ang darating na hindi ko sila makakasama. Nakakalungkot, pero kailangan magtiis.

Pag-uwi ko sa bahay ng mga Fontanilla ay natanaw ko naman si Isaiah papunta sa garahe. Nakasuot siya ng kulay puti at hapit na tank top, bumabakat tuloy ang matipuno niyang dibdib at kitang-kita ang malalaking muscles sa braso niya. Naka itim na sport pants siya at puting sapatos na may check na namang design ang suot niya. Pansin ko nga na ang dami niyang ganoong sapatos, mukhang favorite niya yata ang brand na'yon na hindi ko lang sa sapatos niya nakikita, kung di sa iba pang mga gamit niya. Pati nga ang dala niyang duffel bag na di gaanong malaki, may check din na design sa gilid.

Sa tantya ko ay alas nuebe palang naman ng umaga. Saan kaya ang lakad ng isang 'to?

Gusto ko siyang tanungin, pero pinili kong manahimik nalang. Hindi na kasi siya gaanong namamansin simula nung kumain kami sa isang fast food restaurant, yung araw na sinabi niyang wag akong maglalalapit kay Sebastian, pero inasar ko lang siya.

Sigurado akong galit siya kay Sebastian. Insecure siya rito dahil mukhang mas malapit ito kay Precious kaysa sa kanya.

Papasok na si Isaiah sa kotse niya ng mapalingon siya sa kinatatayuan ko, Matatalim ang ipinukol niyang mga tingin sa akin, at kunot pa ang kanyang noo. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay nila.

Kung makatingin naman siya ay para bang lalagutan ako ng hininga. Wala akong maramdamang takot doon, pero kinikilabutan ako. Tumatayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nakakapanginig siya ng kalamnan.

"O, Magnolia. Saan ka galing?" Tanong ni ma'am Isabel na bumungad sa akin pagpasok ko. Halatang kagigising palang niya dahil naka roba lang siya at magulo pa ang buhok, pero walang kakupas-kupas ang ganda niya kahit bagong gising. May hawak-hawak siyang puting tasa at amoy na amoy ko ang bango ng kapeng laman nun.

"Nagsimba po kasi ako, at dumiretcho narin po sa post office. Sumulat po kasi ako kanila nanay. Miss ko na po kasi sila."

"Wala bang cellphone ang nanay mo roon?"

"Wala po, mahirap din po kasi ang signal sa kinatitirikan ng bahay namin, kasi po nasa dulo ng talahiban iyon."

"Bukas na bukas, padalhan mo ng cellphone ang pamilya mo roon sa Ashralka, para hindi ka na mahirapan na magpadala ng magpadala ng sulat. Sa cellphone, basta may load ka. Anytime pwede mo silang tawagan o i-text, e di hindi niyo gaanong mami-miss ang isat-isa. Ibibigay ko nalang sayo yung isa kong cellphone para yon ang magamit mong pang contact sa kanila, bilhan mo bukas ang nanay mo ng para sa kanya. Wag kang mag-alala, ako ng bahala sa pambili."

"Naku! Nakakahiya po."

"Sus, Magnolia, wag ka ng mahiya. Gusto ko lang tumulong, alam ko yung feeling na malayo sa pamilya. Alam mo kasi, bata palang ako ng magtrabaho ako rito sa maynila, I originally came from tacloban kasi, half spanish american ang tatay ko at pure filipino naman ang nanay ko. We have the same situation, kasi iniwan din kami ng tatay ko. Nung iniwan niya kami, ako na yung tumayong padre de pamilya sa amin, ako yung nagtatrabaho para mabuhay kami ng mama ko at ng tatlo kong mga kapatid. Pinag-aral ko yung sarili ko pati yung mga kapatid ko, hanggang sa may maka-discover ng beauty ko at nagsimula narin akong sumali sa mga beauty pageants at ayun nga, naging beauty queen ako at nakilala ko yung daddy ni Isaiah. And the rest is history."

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon