Kabanata 18

13.3K 290 23
                                    

Kabanata 18
Swerte

----------

Nasa balkonahe ako at abalang gumuguhit ng isang landscape, ng maramdaman ko ang mga yapak ng papalapit sa akin. Nag-angat ako ng ulo at tumambad sa paningin ko ang wala na namang pang itaas na si Isaiah, nakasuot siya ng pajama at tila ginugulo ang kanyang buhok, habang papalapit siya sa akin.

Muli kong binalik ang paningin ko sa ginuguhit ko at ipinagpatuloy ito.

"Anong dino-drawing mo? Is that an assignment?" Tanong niya sa akin ng maupo siya sa upuang nasa harap ko.

"Hindi. Na-miss ko lang ang El Ciero. Ang buong Ashralka at higit sa lahat, ang bahay namin doon."

"I see."

Nag-angat ulit ako ng tingin at nakita kong pinagmamasdan niya ang iginuguhit ko sa sketch pad.

Bahay namin yon at ang magandang tanawin sa paligid nun. Nakakapanibago talaga dahil kung dati, puro mga matatayog na puno at bundok ang nakikita ko, ngayon ay matataas ng building at bahay.

Ibang-iba talaga ang buhay dito sa maynila kaysa sa Ashralka. Sa Ashralka kasi, tahimik, pero masaya. At simple, pero payapa.

"Hindi ka ba giniginaw?" Tanong ko sa kanya na nakatingin parin sa ginuguhit ko.

"Hindi. Bakit?"

"Wala kang suot na damit e."

Nangalumbaba siya sa mesa. "Actually, kaya nga hindi na ako nagdamit kasi naiinitan ako."

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Naiinitan ka pa, e ang lakas ng aircon sa kwarto mo. Gaano ba kakapal yang balat mo?" umiling ako at muling pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Narinig ko naman ang paghalakhak niya na habang pinakikinggan ko ay palihim nalang akong napapangiti.

"Siya nga pala, Magnolia. May deal ulit sana ako sayo."

Tumigil ako sa ginagawa ko at muling nag angat ng tingin sa kanya.

"Deal na naman? Ano ba yon?"

"Kapag ba sinabi ko sayo papayag ka ba?"

"Ano ba kasi yon?"

"You have to promise me first that you'll agreed."

"Siraulo ka ba? Sabihin mo muna sa'kin yung deal."

"Fine. Gusto kong kunin mo ang loob ni Sebastian and make him notice you. Make him divert his attention on you, hanggang sa mapalayo siya kay Precious."

"Ano?"

"You've heard what I said. And if you would ask me why, you know the answer already."

Oo. Alam ko na ang dahilan. Dahil gusto niyang sa kanya lang si Precious. His Precious.

"Paano ko naman gagawin yon? At ano namang kundisyon ko doon?"

"Bilang kundisyon, I'll become your slave. I'll do anything what you want."

Napangiti ako sa sinabi niya at napatango.

"Let's start it tommorrow?"

"Hanggang kailan naman ang deal?"

"Hanggat hindi siya nagiging akin. So, tomorrow?" kasunod ng paglahad niya ng kamay niya. "Deal?"

Tinignan ko muna yon at saka ko inabot para makipag kamay sa kanya. "Deal."



"Excuse me!"

Sabay-sabay na nagsilingon sa akin ang mga kapwa ko estudyante na nasa loob ng student council office.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon