Kabanata 6

16.5K 373 16
                                    

Kabanata 6
Second Chance

----------

Hindi ko na pinababa si IC sa kotse niya ng makarating kami sa tapat ng bahay namin.

"Magnolia, pag-isipan mo."

"Oo na!" Pabagsak kong isinara ang pintuan ng sasakyan niya pagbaba ko, ni hindi ko na nga siya nilingon at nagdire-diretcho lang ako papasok ng bahay namin.

Gulat na napatayo si ate Celine sa kinauupuan niya pagpasok ko sa loob. Nakita ko pa nga ang bilao na may kaunting bigas na mukhang tinatanggalan niya ng palay.

"Wow! Ang ganda-ganda mo, MJ! Sinong nag-ayos sayo? 'Tsaka bakit napaaga ka yata? Tapos na yung party?" Sunud-sunod niyang tanong.

"Umalis na agad ako. Nalaman ko kasi na si IC at yung Isaiah Fontanilla na parati kong naririnig na iniiyakan ng mga kababaihan dito, ay iisa."

"Hindi nga?" Nanlalaki pa ang mga mata ni ate.

Pabagsak naman akong naupo sa upuan naming kahoy at hinubad ang sapatos na suot ko.

"Lola niya si donya Amparo at sa Villa Fontanilla ginanap ang party. Ipinakilala niya pa nga ako kanina donya Amparo at Senyora Alejandra."

"Talaga!?" Namamanghang sabi ni ate. "Anong pinag-usapan niyo ng donya? Tutulungan ka raw ba niya?"

"Oo, pero tinanggihan ko na."

"ANO?"

"Ssshh!" Eto na naman si ate sa mga exaggerated expression niya. Natutulog na nga si nanay at Pearl ang ingay-ingay pa. "Magdahan-dahan ka naman, ate."

"Bakit naman kasi tinanggihan mo?"

"Dahil ayokong magkaroon na naman ng utang ng loob kay IC, lalo na at nalaman kong siya si Isaiah. Malay ko ba kung kinukuha niya lang ang loob ko. At gusto niya akong itulad sa mga babaeng naloko niya."

"MJ, malaking oportunidad na yon. Bakit hindi mo nalang ibaba yang pride mo at tanggapin yon. Mag-isip ka, Magnolia Jamaica Ledesma. Wag mong pairalin ang galit mo sa Isaiah na 'yon. Gamitin mo siya, sila naman ang nag-alok ng tulong sayo diba? Hindi ikaw ang humiling. Minsan lang yan, MJ. Para sa pangarap mo, tanggapin mo ang oportunidad na'yon."

Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. "Ewan ko. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba. Basta ang alam ko, galit ako kay IC o Isaiah o kung sino man siyang poncio pilato!"

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios. Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig. Iyon ang taimtim na binasang bible verse dito sa simbahan.

"Tiya MJ, diba po yun yung prince charming niyo?" Sabay turo ni Pearl sa kabilang row kung saan agad kong nakita roon si IC dahil ang tangkad niya.

Napailing-iling ako. Hindi ko na pala dapat siyang tawagin na IC. Nakakalimutan ko kasing isa siyang salbaheng lalaki. Dapat Isaiah na ang itawag ko sa kanya dahil iyon naman talaga ang pangalan niya. Kung tutuusin ay ginamit niya lang ang pangalang IC para itago ang totoo niyang pagkatao.

Naka side view siya sa paningin ko at naka polo shirt siyang baby blue. Seryosong siyang nakikinig sa paring nagsesermon na ngayon. Katabi naman niya ang lola at tita niya.

Sa totoo lang, kung titignan ko si Isaiah ay mukha siyang mabait. Pero ang totoo. Isa siyang demonyong nagpapanggap na anghel. Dini-distract niya ang pananampalataya ko kay lord. Kampon siya ng kadiliman at siguradong mamaya pagnasabuyan yan ng holy water ay matutunaw yan.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Where stories live. Discover now