Kabanata 15

13.8K 353 42
                                    

Kabanata 15
Hindi kita paiiyakin

----------

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang nalalabing tatlong araw ng bakasyon simula ng dumating kami rito sa maynila, ay natapos na.

Simula na ngayon ng pasukan. Simula na para maglakbay sa panibagong yugto ng buhay ko, sa panibagong mundong tatahakin ko.

"Una na'ko sayo, Magnolia. Bukas nalang tayo magsabay."
Nagmamadaling paalam sa'kin ni Isaiah, habang kumakain ako rito sa kusina, kasama si ate Carlota at ate Onay.

"Sige, ingat."

Alas siete kasi ang pasok ni Isaiah ngayon, ako naman ay mamaya pang alas nuebe.

Nang tuluyan ng makaalis si Isaiah ay sumunod namang umalis si sir Jeremy.

"Magnolia, anong oras ba ang pasok mo?" Tanong naman sa akin ng naiwang si ma'am Isabel.

"Alas nuebe po."

"Oo nga pala! Walang gaanong taxi na dumaraan dito, hindi kasi basta basta nagpapapasok dito ng taxi dahil masyadong private ang subdivision na'to. Isasabay nalang kita kasi may bibilhin ako sa supermarket."

"Ganun po ba, ah Sige po. Salamat po ma'am."

"Alam mo, magpahatid ka nalang kay Anton kapag hindi kayo magkasabay ni Chadrick, hindi naman ako umaalis ng ganitong oras kaya free siya pag ganitong oras. Anong araw pa ba ang hindi kayo magkasabay ni Chadrick?"

"Kapag thurdays po."

"So, monday-thursday. Ipapahatid kita kay Anton."

Tumango akong nakangiti kay ma'am Isabel. Ang bait-bait niya talaga, kaya siguro na in-love sa kanya si sir Jeremy na mabait din. Hindi nga maitatanggi na Fontanilla si Sir, dahil saksakan siya ng matulungin, katunayan ay marami siyang tinutulungang foundation, ayon sa kwento ng mga kapwa ko maid na si Carlota at Onay.

Unang araw ng klase ngayon kaya civilian lang muna ang susuotin ko. May uniform policy kasi rito kapag regular day na.

"Hindi na ako papasok sa loob, Magnolia. Hanapin mo nalang ang room mo ha. Good luck." Nakangiting sabi ni ma'am Isabel.

"Salamat po."

Pagbaba ko ng kotse niya ay agad din iyong umandar habang ako naman ay tulala lang at nakatayo sa tapat ng Clavery University gate.

"Wow! Mula ngayon, ito na ang magiging pangalawang tahanan mo rito sa maynila, Magnolia." Wika ko sa sarili ko.

Mas lalo akong namangha ng makapasok na ako sa loob.

Malawak ang Clavery, mapuno at may malawak na soccer field. Puro mapoporma ang mga nakikita kong pumapasok, kung todo postura ang mga babae na nakasuot ng mga nakamamatay na high heels at maiiksing short at palda na magpapatulo ng laway ng mga lalaki.

"Saan kaya ang Art department?"

Nagpalinga-linga ako hanggang sa bigla ay may mabunggo akong lalaki.

"Sorry." ani ko. Didedmahin ko lang sana siya pero may bigla akong naalala. "Ay wait!"

Hinabol ko yung lalaki at tinapik ko siya sa balikat. Huminto naman siya at lumingon sa akin. Nakangiti siya at kitang-kita ang dalawang malalim na dimples niya. Matangkad siya at moreno, medyo makapal ang kilay niya na tulad ng kay Isaiah.

"Yes?" anito.

"Ah, eh... alam mo ba kung saan yung building ng Art department?"

Mas lalong nangiti yung lalaki kaya mas lumabas pang lalo ang malalim niyang dimples. Kasing lalim ng dimples ni Rico Yan.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Where stories live. Discover now