Kabanata 28

14K 273 38
                                    

Kabanata 28
Taste

SPG!!!

----------

Mag-aalas onse na ng gabi ay narito pa ako sa balkonahe at nagpapahangin. Kasing sarap ng hangin dito sa Baguio ang Ashralka, hindi ko tuloy maiwasang isipin ang mga gabing nagpapahangin ako sa labas ng bahay namin, habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

"MJ, let's go!" ani Daphne ng lapitan niya ako.

"Huh? Saan?"

"Nag text sa'kin si Herson. Pupuntahan nila yung gastrolounge na nakita nila, tutal last night na natin rito. Sama tayo!"

"Kayo nalang. Pagod na ako 'tsaka ayokong uminom."

"Tama lang talaga sayo ang palayaw mong, MJ. Katunog ng pagiging KJ mo. Tara na kasi!" aniya sabay hila niya sa kamay ko, patayo sa inuupuan ko.

"I'm ready!" Masigla namang sabi ni Beverly paglabas niya ng banyo. Namaywang pa nga siya at nag pose na animo isa siyang model.

"How's my outfit?"tanong niya sa amin ni Daphne.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang suot niya. "Para ba kay Martin yan?" Panunukso ko sa kanya.

Agad naman siyang nag deny kahit na minsan, obvious naman na may something siyang nararamdaman para rito.

"Ano? Sama ka na MJ!" Pang-aaya ulit sa'kin ni Daphne.

"Sige na nga, sasama na'ko."

Nag high five silang dalawa at nagsipalakpak. Haban ako namn ay tinatamad na tumayo sa kinauupuan ko at itinali ang buhok ko. Nagpalit lang din ako ng pantalon at t-shirt at saka kami lumabas ng hotel room namin at iniwan ang mahimbing na namang natutulog na si Loraine.

Pagbaba namin sa first floor ay nakita namin sa lobby sina Isaiah at ang mga kaibigan niya, kasama ang tatlo pang babae na kaeskwela yata namin o nakilala lang din nila rito? Mga nakaupo sila sa Dinelli Gourmet at nagku-kwentuhan.

"They're here!" ani Martin na napatayo bigla sa upuan niya pagkakita niya sa amin.

Nagsitayo narin ang iba at nakita ko naman si Isaiah na nakangiti habang naglalakad palapit sa akin.

Paglapit sa akin ni Isaiah ay pasimple niyang hinawakan ang kamay ko at bumulong. "Wag kang lalayo sa'kin mamaya. Dito ka lang parati sa tabi ko."

"Isaiah! Bitawan mo ang kamay ko."

"I wanna hold your hands, para alam kong hindi ka talaga aalis sa tabi ko."

"Makikita nila."

Umangat ang gilid ng labi niya. "Well, that would be great. I told you, ito na ang simula para unti-unting ipaalam sa kanila kung sino ang mahal ko."

Inalis ko ang kamay niya sa kamay ko at lumayo ako sa kanya, at saka ako naglakad palayo.

"MJ, saan ka pupunta aalis na tayo." ani Daphne.

"CR lang."

"Ako rin." Narinig ko namang paalam ni Isaiah.

Ini-expect ko naman na susunod talaga siya at gusto ko rin talaga siyang makausap.

Nang makalayo na kami sa mga kaibigan namin at wala na akong makitang tao. Humarap ako kay Isaiah na nasa likod ko at panay lang ang sunod sa akin.

"Isaiah, masyadong mabilis 'tong nangyayari e. Hindi pwedeng ganito agad tayo, kagabi mo lang sinabing mahal mo ko at hindi ako tanga para paniwalaan agad na ganyan nga ang nararamdaman mo sa'kin. Kung yung feeling mo nga kay Precious, ilang taon mong pinanghawakan. Etong nararamdaman mo para sa'kin, na bigla-bigla nalang umusmong, paano mo mapanghahawakan 'to? Hanggang kailan mo masasabing mahal mo talaga ako? Paano kung isang araw, ma-realize mo rin na hindi pa talaga ako yung babae para sayo? Gusto kong maniwala na sana mahal mo nga talaga 'ko. Pero ayokong panghawakan yon kasi baka isang araw sabihin mo nalang bigla na hindi pala ako yon, na na-attract kalang din pala sa akin."

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon