Kabanata 2

21.1K 440 62
                                    

Kabanata 2
Tour Guide

-----------

Galit na nilingon ni Gudo yung lalaking humahawak sa kanan kong paa at binatukan niya ito.

"Aray! Bakit ka nambabatok? Pag ako nabobo." Tinapat nung lalaki yung likod ng palad niya sa kanyang baba at kinatok iyon.

"GUNGGONG! MATAGAL KA NG BOBO. 'TSAKA BAKIT MO 'KO BINATO?" Galit na tanong ni Gudo dito.

"Di kita binato tukmol!"

"PAG HINDI KAYO UMAMIN, DI NIYO MATITIKMAN ANG BABAENG 'TO!"

"Pag umamin ba 'ko, makakatikim din ako?"

Nagpalinga-linga ang lahat, maging ako. Para hanapin kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

"I'm here."

Napalingon kaming lahat sa kanan at doon nakita namin ang isang matangkad na lalaking naka puting t-shirt, itim na leather jacket at itim na slim-fit pants. May bilog na hikaw siyang itim sa kaliwang tenga niya at may hawak-hawak siyang sigarilyo na may sindi. Mukha siyang action star sa get up niya.

Napalunok laway naman ako ng sumulyap siya sa akin at ngumisi. Hindi ko alam kung bakit tila may kung anong kumiliti sa puso ko ng saglit na magtama ang mga mata namin.

Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi naming liwanag dito, pero dahil napakaliwanag ng buwan ngayon ay kitang-kita ko kung gaano ka perpektong nilalang ang nasa harapan namin ngayon.

Siya ba ang tagapagtanggol ko? My Knight in Shining Armor and I'm his damsel in distress?

"Lima laban sa isa? Hindi yata tama yan." Kalmadong sabi ng lalaki. Habang nanliliit ang mga mata niyang nakatingin kay Gudo at sa mga kasama nito.

Hinithit nito ang kanyang hawak na sigarilyo at tumingala at saka paitaas na ibuga niya ang usok non, pagkatapos ay itinapon niya ang sigarilyo niya. Pinatay niya ang sindi nito ng tapakan niya ito ng mukhang mamahalin niyang sapatos.

"Sino ka ba, ha?" Tanong ni Gudo.

"Secret." Nakangiting sabi ng lalaki.

Mabilis ang mga pangyayari dahil sa mga sumunod ay biglang sinipa ng lalaki si Gudo. Sa lakas ng pagkakasipa nito kay Gudo ay tumilapon ito mula sa ibabaw ko.

Ako naman ay tila napako sa pwesto ko dahil sa nasaksihan.

Sinugod ng apat na kasama ni Gudo ang lalaki, pero para talagang action star ang huli dahil sa galing nitong sumuntok at sumipa. Hindi kaya, stantman ang isang to o baka naman gangster? Eh, may ganito ba talaga kagwapong gangster? Sa mga palabas at libro lang naman yata nage-exist ang ganoon.

"TAKBO NA!" Sigaw sa akin ng lalaking mukhang action star, habang pinipilipit niyo ang kamay ng isa sa mga lalaking kasama ni Gudo.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko sa makating talahib, at ng aktong tatakbo na ako ay nagulat naman ako ng biglang mahawakan ni Gudo ang paa ko.

"Akala mo makakatakas ka na ha!" aniya habang nakatuwad siya sa lupa at bakas sa tono ng boses nito ang panghihina.

Talagang makakatakas na'ko gunggong.

Sinipa ko si Gudo sa mukha. Napadaing siya dahil nasapol ko yata ang ilong niyang matangos. Hinila naman ang kamay ko ng lalaking tumulong sa akin at mabilis kaming tumakbo palayo kay Gudo at sa mga kasama niyang nakabulagta na sa lupa ng lingunin ko.

"Kuya, salamat ha." Sabi ko habang tumatakbo kaming dalawa.

Para akong leading lady ng isang action film at ang lalaking kasama ko ang aking leading man. Pagtingin ko sa mga kamay namin na magkahawak, para na namang kiniliti ang puso ko, nagwawala na nga yata ito sa bilis ng pintig nito.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon