Kabanata 13

15.3K 311 10
                                    

Kabanata 13
Girlfriend

----------

Pasado alas dose na ng makauwi kami sa bahay. Ang kulit ni Isaiah kaya hindi na kami nakatanggi sa kanyang ihatid kami. Binuhat pa nga niya papasok sa bahay namin hanggang sa kwarto, ang nakatulog na si Pearl.

"Salamat, Isaiah." ani nanay. Ako naman ay walang imik sa kanya.

"Magnolia, the day after tomorrow I'm going back to manila with you. You gotta be ready. I'll fetch you five am, sharp." Pagpapaalala niya.

Tumango lang ako sa kanya at saka siya nagpaalam ng umalis.

May parte ng utak ko ngayon ang nagsasabing wag na akong tumuloy sa maynila. Nagdadalawang isip talaga ako.

Kinabukasan ay nagkaroon ng singing contest sa pagpapatuloy ng fiesta, at sa gabi naman ay gay pageant ang naganap. Hindi na naman mawala ang ngiti ng lahat di tulad ko na lutang na lutang ang isip dahil bukas ay aalis na kami ni Isaiah papuntang maynila.

Nasasabik ako na kinakabahan at higit sa lahat. Nalulungkot, dahil mapapalayo ako sa pamilya ko na buong buhay kong nakasama. Hindi ko pa nararamdaman na ma-home sick pero siguradong iiyak ako 'nun.

"Okay ka lang, MJ?" Tanong ni Dayday sa akin.

Tumango at ngumiti naman ako sa kanya.

"Sigurado ka?" Mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Oo nga."

"Para kasing wala ka sarili."

"May iniisip lang ako."

Hindi pa tapos ang contest ay nag-aya na si nanay na umuwi kami dahil kailangan ko raw matulog ng maaga at maaga pa ang alis namin bukas ni Isaiah.

Speaking of Isaiah ay mabuti nalang at hindi siya nagpakita ngayon. Mabuti narin na hindi ko siya nakita dahil baka mas lalo pang sumama ang mood ko at mapaiyak nalang kapag nang-asar siya. Emosyonal pa naman ako ngayon at magaling pa naman siyang mang-asar, minsan nga pag nakikita ko siya, umiinit nalang bigla ang sa ulo ko.

"MJ, have a safe trip. Eto cellphone number ko, text mo'ko kapag nagka-cellphone ka na." Inabot sa akin ni Dayday ang kapirasong papel na may cellphone number niya. "Galingan mo ang pag-aaral don at pagbalik mo," hindi niya tinuloy ang sasabihin niya, ngumiti muna siya sa akin at saka siya tumingkayad para bumulong. "Pagbalik mo, dapat kayo na ni Isaiah."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hinampas siya ng bahagya akong natatawa. "Sira ka talaga. Hindi ako luluwas ng maynila para maghanap ng boyfriend no!"

Mamimiss ko talaga itong si Dayday. Kahit kasi mas bestfriend ang turing niya kay Zenda, para sa akin ay siya naman ang bestfriend ko dahil siya ang pinakamalapit sa akin dito.

"Wag kang mag-alala, MJ. Akong bahala sa nanay mo habang wala ka." ani mang Rolando.

Hinampas naman siya ni nanay sa balikat, at pinagtaasan ng kilay. "Magtigil ka nga dyan, Rolando!"

"Ako namang bahala sa ate Celine mo at kay Pearl, MJ." Sabi naman ni Carlos.

"Isa ka pa! Manahimik ka nga!" Pagtataray naman ni ate rito.

Pag-uwi namin ng bahay ay hindi naman ako agad makatulog, kaya lumabas muna ako ng bahay at naupo sa upuang kawayan na nasa tapat.

Napakatahimik ng paligid. Tanging ang maiingay lang na kuliglig ang naririnig ko. Tiningala ko ang langit na puno ng mga bituin at niyakap ko ang sarili ko ng humangin ng malakas, pumikit naman ako at nilanghap ang simoy nun.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon