Kabanata 29

13.9K 275 24
                                    

Kabanata 29
Pahinga

----------

Pagkatapos ng mga nangyari ay magkayakap lang kami ni Isaiah sa kama habang nagkukwentuhan.

Masyadong mabilis ang lahat, pero para sa'kin. Wala naman sa tagal yan. Walang ligawang naganap sa pagitan namin, basta bigla nalang sumabog ang damdamin namin para sa isat-isa, at ng hindi na namin kaya pang kontrolin yon at itago. Eto kami ngayon, masayang magkasama. Pinagsasaluhan ang unang gabing opisyal na naming ibinigay ang puso namin sa isat-isa.

Pakiramdam ko babaeng-babae ako sa piling ni Isaiah. Sobrang inlove na inlove ako sa kanya na halos ayoko narin na humiwalay sa kanya.

Lagpas alas dos na ng madaling araw ng magpahatid ako kay Isaiah sa kwarto namin ng mga kaibigan ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Bukas ang lampshade sa gilid ng kama ni Loraine at Beverly, si Loraine lang ang nakita ko kaya napagtanto kong wala parin ang mga kaibigan ko.

Marahil ay masyadong nag enjoy ang mga yon. Nag enjoy rin naman ako kasama si Isaiah. Sobra-sobra na pakiramdam ko hanggang sa panaginip ko ay naroon siya.

Paghiga ko sa kama ay hindi parin mawala ang mga ngiti ko sa labi habang inaalala ang mga nangyari sa amin.

Napag-usapan din namin ni Isaiah na hindi muna namin ipaaalam kahit kanino ang tungkol sa relasyon namin. Lalo na sa pamilya ko, pakiramdam ko nga ang sama ko dahil sinuway ko ang utos sa akin ng ate ko.

Nanindigan pa ako sa kanyang hinding-hindi muna ako mag bo-boyfriend, pero eto. Binuksan ko ang puso ko para kay Isaiah at maluwang ko siyang pinapasok dito. Ngayon alam ko na kung gaano kahirap manindigan kung puso mo ang kalaban.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil nain-love ako, pero hindi ko pinagsisisihan na kay Isaiah ako nahulog, na siya ang minahal ko. Although, kilala ko ang bad side niya. Naniniwala naman ako na may mga taong handang magbago para sa pag-ibig at nakikita ko yon sa kanya.

Ang lalaking tulad niya. Ang hirap ng pakawalan pa, kasi alam ko ang daming naghahabol sa kanya at sa tuwing tititigan ko siya at pagmamasdan ko ang mukha niya, mas lalo akong nahuhulog sa kanya at hindi ko na kayang palayuin siya sa akin. Hindi ko na kayang magkunwari na hindi ko siya mahal, na ayoko siyang makasama dahil sa tuwing gagawin ko yon. Tila nagwawala ang isip at puso ko dahil sa inis sa sarili ko.


"Magsigising na kayo kakain na!" Naririnig kong pukaw sa amin ni Loraine. Niyuyugyog niya pa nga ako.

Dumapa naman ako sa unan ko at ayaw magpatinag sa pagtulog. Antok na antok pa talaga ako.

"My God! Mag aalas onse na tulog parin kayo? Anong oras ba kayo nagsitulog?"

Wala ni isa sa amin ang umiimik sa kanya dahil tila hindi pa nagigising ang diwa naming magkakaibigan. Marahil dahil kulang pa talaga kami sa tulog.

"Aalis na tayo dito sa hotel ng twelve o'clock pack your things now. And before we go, sabay-sabay muna raw tayong kakain sa Dinelli Gourmet. Come on, guys! Wala na ba kayong balak umuwi?" Litanya pa ni Loraine.

"Just give us a sec, Loraine." Mahinang sabi naman ni Beverly.

"Bahala nga kayo, basta sinabihan ko na kayo. Bababa na'ko."

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Maya-maya pa'y naramdaman ko na ang pagkulo ng tiyan ko. Kaya bumangon na ako.

"Anong oras kayo nakauwi?" Tanong ko sa mga kaibigan kong nakahiga parin.

Nasisilaw na dumilat naman si Beverly.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon