Kabanata 23

12.1K 265 14
                                    

Kabanata 23
Because I Care

----------

Hindi ko na alam kung nakailang cocktail drink na ako. Kanina hindi ko gusto ang lasa nun dahil pinaghalo-halok alak iyon.

Ngunit katagalan ay hindi ko na napapansin ang lasa 'non, basta inom nalang ako na parang umiinom lang ng tubig.

"MJ, wag kang masyadong uminom. Napaparami ka na. Let's dance come on." Pang-aaya ni Sebastian.

"Sige ba! Anong klaseng sayaw ang gusto mo? Tango, cha-cha, rumba, waltz. Kaya ko lahat yon."

"Hindi bagay ang mga yon sa tugtog. Let's just slow dance, with your very sexy move."

Nagtungo na kami ni Sebastian sa gitna ng dance floor, kasabay namin si Daphne at Beverly na inaya namang sumayaw ng mga kaibigan ni Isaiah.

Nagsimula na akong sayawan ni Sebastian habang nakangiti siya. Sinabayan ko naman siya at mas tinalbugan.

Gumiling ako ng mas dahan-dahan, mas kaakit-akit at tila malagkit sa paningin ng makakakita.

"You're good in sexy dancing." Pasigaw niyang sabi sa akin dahil malakas ang music.

"Ikaw din! Magaling."

Makalipas ang ilang minuto. Nakaramdam ako ng uhaw kaya bumalik na kami ni Sebastian sa pwesto namin kung saan naabutan namin doon si Isaiah at Precious kausap si Dave at Danica. Kausap din nila ang iba pa nilang kaibigan.

"Oh, buti naman at nagawi ka sa pwesto namin, birthday girl." ani Sebastian at saka niya binitawan ang kamay ko at lumapit siya kay Precious at nagyakap silang dalawa.

Mabuti at hindi ko nakikitang sinasamaan ni Isaiah ng tingin ngayon si Sebastian. Dapat lang dahil alam naman na niyang mas mahal siya ni Precious kay Sebastian. Ano pa bang ikagagalit niya?

"Happy birthday pala sayo, Precious." bati ko naman kay Precious.

"Salamat. You look so sexy with that dress. And thank you for coming."

"You're welcome. Ikaw din, ang sexy-sexy mo."

Tumawa lang siya sa akin at saka niya kinausap Sebastian.

Umupo naman ako sa tabi ni Isaiah at dahil nauuhaw na talaga ako. Ininom ko yung kalalagay palang na cocktail drink sa mesa.

"Hey, don't drink too much, or you'll get drunk and wake up tomorrow with a really bad hangover." Tila nananakot na sabi ni Isaiah habang kunot ang kanyang noo at nakatingin sa akin.

"Masakit ba talaga sa ulo yon?"

"Try it yourself so you would know." Natatawa niyang sagot sa'kin.

Hinahamon niya yata ako.

"Isaiah, paalis na sila mommy puntahan lang namin ha?" Narinig kong paalam ni Precious kay Isaiah.

Tumango naman ang huli.

"MJ, I'll be right back." Paalam naman sa akin si Sebastian bago siya hinila ni Precious palayo sa amin.

Himala talaga at okay lang kay Isaiah ang lahat. Siguro over confident na talaga siyang siya lang ang mahal ni Precious. Hindi na ako nakatiis at na kausapin si Isaiah kaya siniko ko si Isaiah na nakikipag usap sa iba niyang kaibigan.

"Oy! Nakakatuwa ka."

Lumingon naman siya sa akin ng nakakunot na naman ang noo. "Huh? Bakit?"

"Hindi ko na nakikita yung seloso mong mukha kapag magkasama si Precious at Sebastian."

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें