Kabanata 37

12.2K 271 16
                                    

Kabanata 37
Mawala

----------

"Magnolia, sorry kung hindi kita masusundo. May pupuntahan kasi ako, ipasusundo nalang kita kay kuya Anton." Ani Isaiah habang kausap ko siya sa cellphone.

"Okay lang, mag ta-taxi nalang ako."

"No, I'll ask kuya Anton to pick you up, just wait for him."

"Isaiah, hindi na. Aalis na ako at ilang minuto nalang first class ko na. Sana tumawag ka ng mas maaga para hindi na ako nagintay.

"I'm sorry."

"O sige na. Bye."

"Wait!"

"Ano?"

"I love you."

"Mahal din kita."

At doon na nagtapos ang first conversation namin ni Isaiah ng araw na'to.

Medyo nalungkot talaga ako na hindi niya ako nahatid ngayon. Lagi akong malungkot sa tuwing hindi kami nagkakasabay sa pagpasok dahil sa schedule namin, at ngayon ay mas nakaramdam ako ng lungkot, lalo na't excited akong makita siya dahil kagabi ko pa siya sobrang nami-miss, kaso hindi ko naman siya nakita sa pagpasok ko.

At ngayong vacant time namin, hindi ko parin siya nakikita.

Narito kami ng mga kaibigan ko sa cafeteria at halos kalahating oras na kaming naririto. Panay nga ang kwento ni Daphne na hindi ko naman naiintindihan dahil masyadong okyupado ang utak ko ni Isaiah.

"Ayan na sila!"

Masaya kong sabi ng makita kong pumasok ng cafeteria si Martin. Pero agad na napawi ang ngiti ko ng mapagtanto kong wala si Isaiah. Hindi pala sila, kasi si Martin lang ang nakikita ko, at may dala siyang box na maliit at frappe na may tatak ng isang kilalang cafe ang lalagyan.

"Hi ladies." Bati ni Martin ng makalapit siya sa amin.

"Isaiah wants me to give to you." At saka niya inilapag sa harap ko ang dala-dala niya.

"Bakit ikaw ang nagbibigay n'yan? Nasaan ba siya?" Taas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.

"He's somewhere." Nakangiti nitong sagot.

"Anong somewhere? Hindi siya pumasok?"

Alanganin na tumango sa akin si Martin. "I gotta go." Paalam niya pa. Akmang maglalakad na siya palayo ng tawagin ko siya.

"Maupo ka nga muna, Martin. Hindi pa tayo tapos mag-usap." Pagtataas ko ng boses. Mas lalo kasi akong naiinis ngayon.

Naupo naman si Martin sa bakanteng upuan sa tabi ko. Humalukipkip naman ako habang pinapakatitigan siya ng hindi maganda.

"Nasaan si Isaiah? Pagsinabi mong somewhere. Sasapakin kita!"

"Actually, ayun lang ang sinabi niya e. Nasa somewhere daw siya."

"May somewhere na place dito?" Tanong ko kay Daphne at Beverly.

"I don't know. Baka sinabi lang ni Isaiah yan kasi ayaw niya talagang may makaalam kung nasaan siya." Sagot naman ni Daphne habang si Beverly ay tumatango nalang.

Naiinis ako dahil pakiramdam ko may inililihim sa akin si Isaiah na alam ng mga kaibigan niya. Kanina ko pa paulit-ulit na tinatawagan siya, pero laging hindi niya sinasagot, panay lang ang ring ng cellphone niya. Nakailang text narin ako sa kanya, pero hindi niya ako nirereplayan. Unti-unti na tuloy sumasama ang loob ko, dahil ako na mismong girlfriend niya. Nagagawa niyang paglihiman.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora