Kabanata 46

12.2K 270 24
                                    

Kabanata 46
I won't tell him

----------

"Oh my freaking God!" ani Beverly.

"The fvck! That was an epic fail! Yan ang pagkakamali ni Isaiah, he unconsciously fvck that girl and accidentally get her pregnant. Life is really a bullshit." Umiiling-iling namang sabi ni Martin, pagkatapos kong sabihin sa kanilang lahat ang mga nalaman ko.

"Kung kailan handa na akong bigyan siya ng chance, 'tsaka naman dumating to. Siguro nga, hindi talaga kami para sa isat-isa, kasi kung kami. Hindi sana mangyayari 'to. Mas komplikado ngayon e. Nagdadalang tao si Daphne, nagbunga ang pagkakamaling nagawa ni Isaiah. Magiging tatay na siya, may bata na siyang responsibilidad at hindi niya pwedeng takasan yon. Kahit sabihin pang mahal namin ni Isaiah ang isat-isa, kailangan niyang tanggapin ang anak niya. At isang pamilya ang kailangan ng anak niya na kailangan niyang ibigay, ayoko na ako ang makasira ng pamilyang yon. Mahal ko siya, pero siguro kailangan ko na talagang mag move on kasi pakiramdam ko. Hindi na namin kwento 'to." Nasapo ng mga kamay ko ang aking mukha at napahagulgol na naman ng iyak.

Nararamdaman ko naman ang mga kamay ni Beverly na humahagod sa likod ko.

"Kakausapin namin si Isaiah. Sasabihin din namin sa kanya ang plano mong pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa kanya."

"Wag! Wag niyong babanggitin sa kanya ang tungkol doon." Tutol ko kay Herson.

"Why not? He have to know. For sure, kapag nalaman niya na okay na siya ulit sayo. Lalakas lalo ang loob non para ipaglaban ang nararamdaman niya para sayo."

"Hindi yan ang gusto kong mangyari, Herson. Hindi ko gugustuhing na mamili siya sa akin at sa anak niya. Ayokong iwan niya ang anak niya para sa akin. Ang mas mabuting mangyari ngayon ay lumayo nalang ako sa kanya."

"Akala ko ba mahal mo siya?" Tanong naman sa'kin ni Martin.

"Oo mahal ko siya, pero may responsibilidad na siya. Gusto kong iyon ang unahin niya. Gusto kong doon niya ituon ang atensyon niya. Hindi ko kayang makipag kumpitensya sa batang walang kamuwang-muwang. Mahirap ang walang amang nag-aaruga sa anak, katulad ko. Lumaki akong wala sa tabi ko ang tatay ko. Nangungulila ako sa pagmamahal niya at ayokong maranasan yon ng anak ni Daphne kay Isaiah."

Hindi agad ako umuwi pagkatapos ng klase namin. Kanila Beverly ako dumiretcho dahil inaya rin niya ako, siguro para damayan ako sa problemang pinagdaraanan ko ngayon.

Nagluto kami ng popcorn at kinain namin yon habang nanonood kami ng movie kung saan isang nagsasalita at malokong teddy bear ang bida.

"You know what, you and Mila have the same eyes. Mata niyo palang seductive na." ani Beverly sabay tungga niya ng beer na hawak niya.

Nginitian ko lang siya at itinuon ang atensyon ko sa palabas.

Kanila Beverly narin ako naghapunan dahil sa pamimilit ng mommy niya. Gagabihin daw ng uwi ang daddy niya kaya kaming tatlo lang ang sabay na kumain sa dining area nila.

"I'm really glad to meet you, MJ. Lagi kang ipinagmamalaki nitong si Beverly na magaling ka raw, hindi ka lang puro ganda at kasexyhan. At totoo nga ang sinasabi ng anak ko." Ani tita Barbara. Ang mommy ni Beverly.

"She's the sexiest painter that I've ever met, mom." Sabi pa ni Beverly.

"I see." Pagsang ayon naman ni tita Barbara.

"Balita ko rin, boyfriend mo ang heredero ng mga Fontanilla, na si Isaiah-"

"Mommy, can we just not talk about him." Saway naman ni Beverly sa mommy niya.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Where stories live. Discover now