Kabanata 27

14K 288 34
                                    

Kabanata 27
Chemistry

----------

"Tama na ang pagbibiro mo, Isaiah. Hindi na nakakatuwa."

Mahina kong sabi habang ang mga tingin ko ay nasa ibaba. Ayoko siyang tignan dahil baka tuluyan akong maniwala sa biro niya. Pakiramdam ko kasi, binibiro na naman niya ako.

Inangat naman niya ang mukha ko.

"Tignan mo'ko, Magnolia. Tignan mong mabuti kong talaga bang niloloko lang kita. Titigan mo ako."

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at nakipagtitigan ako sa mga mata niyang naghahalong green at gray ang kulay.

Punong-puno ng determinasyon ang mga nakikita ko sa mga mata niya. Matatapang ang mga yon sa unang tingin, pero habang tumatagal ay nakikita ko ang lambot ng kanyang pagkatao. His soft side. Napaka sinsero ng mga mata niya na para bang kinakausap ako at sinasabing paniwaalaan ko ang mga sinasabi niya.

Napailing ako matapos ko siyang titigan. Ayokong tagalan, dahil pakiramdam ko natutusok na ako sa mga titig niya na bumabaon diretcho sa puso ko.

Inalis ko rin ang mga kamay niya sa pisngi ko.

"Paano si Precious? Isaiah, nangako ka sa kanya at umaasa siyang maghihintay ka. Anong gagawin mo, huh?"

"I don't know. All I know is I want to be with you and I want you to be with me. To be mine."

Akmang hahaplusin niya ang pisngi ko ng tabigin ko ang kamay niya.

"Hindi pwede 'to. Isaiah, may pinangakuhan ka at hindi mo basta-basta nalang isasawalang bahala yon. Dapat bago mo sinasabi sa'kin ang mga yan, sa kanya mo muna dapat ipinapaalam. Isaiah, simula highschool, ang sabi mo. Gustong-gusto mo na siya and then suddenly, narinig mo lang na mahal kita. Nagkakaganyan ka na?"

"Oo, simula highschool gusto ko na siya. Pero ngayon ko lang na-realize na iba ang gusto sa mahal, Magnolia. Maybe I was just attracted to her for a long time, dahil nasa kanya ang lahat ng katangian ng isang babaeng hinahanap ko. Kaya rin siguro, hindi ko siya pinilit na magpaligaw sa'kin dahil may parte ng pagkatao ko ang nagsasabing gusto ko lang siya. Dahil kung mahal ko siya, I can cross the boundaries just to make her mine and that's what I'm going to do on you, Magnolia. Just what I told you before, hindi mo man ibigay sa'kin ang puso mo. Pwes, ako ang gagawa ng paraan para kunin 'yan sayo."

"O, Isaiah? MJ? Anong ginagawa niyo rito?" Nagtatakang tanong ni Daphne habang nakatingin silang lahat sa amin ni Isaiah.

"May nagaganap na bang kumpisalan?" Nakangiting tanong ni Herson na mukhang may alam sa nangyayari. Nakita ko pa ngang siniko siya ni Martin at tinignan naman siya ng masama ni Isaiah.

"I'm convincing her to go back, kaso mukhang pabalik narin kayo sa room niyo." Ngingiti-ngiting dahilan ni Isaiah.

Lumapit naman sa akin si Beverly at inakbayan ako.

"Akala ko bumalik ka na sa kwarto. Next time nalang tayo mag-swimming."

Tumango ako sa kanya at pilit na ngumiti at saka ako napatingin kay Isaiah na nakatingin din sa akin.

Panay ang kwentuhan ng mga kaibigan namin ni Isaiah habang nasa elevator kami. Kami naman ay tahimik lang at tila nagpapakiramdaman sa isat-isa. Tumunog na ang elevator ng makarating kami sa 3rd floor.

"Bye guys!" Paalam ni Daphne.

Kumaway-kaway rin si Beverly sa kanila, ako naman ay nagdire-diretcho lang sa paglabas.

"Goodnight, Magnolia."

Parang nagtayuan ang mga balahibo ko ng marinig ko ang malalim na boses ni Isaiah at ng lumingon ako. Sumara na ang pintuan ng elevator.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon