Kabanata 35

12.9K 247 9
                                    

Kabanata 35
Wag ngayon

----------

Pagkasakay na pagkasakay ni Isaiah sa kabayo ay bigla namang umulan ng malakas.

"Holy shit!" Bulalas niya at saka niya mabilis na pinatakbo si Black.

Pagkatapos ng naganap sa amin ni Isaiah, eto at mukhang binabasbasan kami ng langit.

Pero sa totoo lang, ang sakit ng pagitan ng hita ko. Tila mahapdi yon na makirot. Hindi pala talaga madaling magbigay ng virginity.

Pagdating namin ni Isaiah sa bahay ay basang-basa kami ng ulan.

"O, bakit basang-basa kayo?" ani nanay ng pagbuksan niya kami ng pinto.

"Kabayo lang po kasi ang sinakyan namin, tapos naabutan po kami ng ulan. Habang pauwi rito." ani Isaiah.

"Bakit naman kasi ginabi na kayo? Tara't magsipasok kayo."

Hindi na kami sumagot sa tanong ni nanay at nagkatinginan nalang kami ni Isaiah.

"Maligo kayo roon sa likod, sa may poso." ani nanay.

Pagpasok namin sa loob ay nakita ko si ate at Pearl na kumakain. Agad ko namang hinila si Isaiah sa likod ng bahay namin, kung saan naroon ang poso namin.

"First time kong gagamit nito." aniya habang nakangiti siyang nakatingin sa poso.

Kinuha ko yung malaki naming palanggana na gawa sa aluminum at isinahod ko sa bukana ng poso.

"Ikaw ang mag bomba."

"Bomba?" Nakakunot ang noo na sabi ni Isaiah.

"Bomba. Ikaw ang mag-igip, baba taas lang yan." Sabi ko.

"Oh, I get it." Tatawa-tawa niyang sabi at saka niya sinimulang mag bomba ng poso.

Kumuha naman ako ng sabon at nagsimula ng maligo. Nang mapuno na ni Isaiah ang palanggana ay huminto na siya sa pagbomba at nagulat ako ng magbomba siya sa harap ko, I mean... maghubad siya sa harap ko ng kanyang basang-basang t-shirt, at tumambad na naman sa akin ang maganda niyang katawan. Napapalunok na naman tuloy ako at halos di makapag concentrate sa pagsasabon ko.

"You're enjoying the view again." aniya habang may mga pilyong ngiti sa kanyang labi.

Inirapan ko lang siya at pinilit na tanggalin ang tingin ko sa katawan niyang nakakaakit.

"Kotang-kota ka na sa katawan ko, Magnolia." Sabi pa niya at saka siya lumapit at bumulong sa'kin. "You feel sore?" sa tono ng boses niya ay nag-aalala talaga siya.

"Sshhh! Wag ka maingay." Saway ko naman sa kanya at saka ko siya sinabuyan ng tubig sa mukha.

"A ganon? Gusto mong makipaglaro, well pagbibigyan kita." Sinabuyan niya rin ako ng tubig at hinagisan niya pa ako ng bula mula sa buhok niya.

Para kaming mga batang nagbabasaan ng tubig at nagpapahiran ng bula habang naliligo.

"Isaiah, Magnolia! Ang tagal niyong maligo. Wag kayong magsayang ng tubig." Saway ni nanay.

Natahimik at natigil kami sa paghaharutan ni Isaiah dahil sa pananaway ni nanay.


"Malakas pa ang ulan, dito ka na matulog. Kaya lang okay ba sayo kung d'yan ka nalang sa upuang kahoy?" ani nanay kay Isaiah. Pagkatapos namin makapagbihis, mabuti nalang at may malalaki akong t-shirt at short na nagkasya sa kanya. Lalaki kasi ako kung pumorma noon.

"Opo. Sige po. Ayos lang po."

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay naglatag na si Isaiah ng sapin sa upuang kahoy namin sa sala, na hihigaan niya. Sila nanay, ate Celine at Pearl naman ay nasa kwarto na.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Where stories live. Discover now