Chapter 8

3.3K 116 44
                                    

I'm not his type

Chapter 8


One hour ago okay pa ako. One hour ago, naririnig ko pa lahat ng kantang nagpi-play sa stage.



But now, I see... Blurred lines. Blurry images.



Lecheng Allan. Sabi ko kasi huwag na naming ubusin iyong Cuervo e. Nasusuka ako na naiihi na parang humihilab na itong tyan ko.



"Beng," Pati tono ng boses ko halatang lasing na. Jeez. I will never do this again. Never again.



"Yep? Iihi ka? Cr? Samahan kita you want?" Wait. Why does he sound like he's not drunk after all?



Dinaya ata ako ng taong 'to ah.



"Ahh. No." Tumayo ako. Muntik na ko matumba. Buti nakakapit ako sa mesa.



"Kaya ko na. He-he," Nakita ko siyang ngumisi! Aba't! Dinaya nga ata ako!




"Just make sure you come back here okay? Alis na tayo after you pee. Jaycee is... Waiting outside."



Nakayuko siya noonh sinabi niya iyon pero bumaling sakin with a weak smile.



"He said he wanted to talk to me."



Ginantihan ko lang siya ng tango at ngisi. Peste lasing na talaga ako. Ako ang nalasing!



Umiikot na talaga paningin ko. Pero pinili ko parin maglakad. Puputok na pantog ko nito pag di pa ko umihi.



Pagewang gewang ako.



Bahala na kung sino mang may kakilala sakin dito. Wala na. I can't walk straight. Damn it.



Nasa may gilid na ako ng stage nang hindi ko nakita iyong maliit na staircase. Akala ko tuloy patag pa iyong dinadaanan ko, hindi na pala!




"Ouch! Shit!" Untag ko. Akala ko hahandusay ako sa sahig.




Pero may biglang humagip sa baywang ko. Hilong hilo parin ako. Kakahiya!



Iniangat niya ako para makatayo ulit at nakita kong inaayos niya ang white v-neck shirt niyang nakusot ko ata.




Wait. Is this— Namilog ang mga mata ko. Stanley?



I can't confirm if this is actually him but I remember, he's wearing the same shirt.



Ang tangkad niya. That scent... I'm sure naamoy ko na rin iyon dati.



Pero hindi ko talaga maalala. I'm too drunk to even remember that. Nakumpirma ko lang na siya nga iyong nasa harap ko nang humarap na siya sa'kin.



I'm trying to stand up straight while fixing my disarranged clothes, but hell... I can't. Masyado akong nahihilo. I looked at him.



He finally spoke, but he's not looking at me. Inaayos parin niya iyong damit niya. Masyado bang nakusot?



"Next time. You watch your step. Okay?" He sounded so cold.



Kahit nahihilo ako ngayon naaaninag ko kung ga'no siya kagwapo. Good Lord.




"U-uhm. Uhh..." Why can't words come out of this frigging mouth right now? I look stupid here.




"What?" He looked at me, finally. Pero malamig ang titig niya. Almost expressionless.




"I-I m-mean thank you... Sinalo mo ako. K-kung hindi—"




"If I didn't catch you and some other pervert guy did it then maybe right now you're probably complaining kasi nabastos ka na. And next time you plan to get drunk, make sure you can still walk carefully."




What did he say? I don't understand. Is he mad? Because he sounded mad.




"Tss. And you don't wear clothes like that here. Can you fix that?" Tinuro niya iyong balikat ko, "I can see your strap," He clenched his jaws. Oh that perfect jaw. Pero umirap siya. Seriously?




Inayos ko iyong damit ko. Teka?




May mali ba sa suot ko? Wala naman ah? Naka hanging blouse ako. Medyo maluwang 'yon pero maikli.



Kita iyong pusod ko pero nakapants naman ako ah? Iyong konting stomach skin ko lang naman ang nakita. Naka pumps ako pero disente naman akong tingnan.




Wow. This guy. How dare him lecture me about what I wear.




Tumalikod na siya at mukhang aalis na. "W-wait," Hindi siya lumingon, "Hey! I said wait!"




There. Lilingon ka rin pala.



But he looked annoyed. Where is this guy coming from? Bakit asar na asar yata siya sakin? Kala ko ba babaero 'to?



Hindi naman ako pangit. Sumali na ako sa ilang beauty pageants at nananalo naman ako. Lahat ng naging ex ko gwapo kaya alam kong hindi ako pangit. Bakit ganito sakin 'tong isang to?



"What now?" His annoyed voice sounds so sexy. What the fuck? What is wrong with me?



"Uhmm. S-Salamat ulit. I was th—"



"Don't mention it," Pinutol niya agad iyong sasabihin ko at tumalikod.



Sabay kaway. Iyong parang gesture na hindi intersado sa kausap?



Damn it. Pangit ba ako tonight? Why is he like that? Is it the way I dress?



Kailangan ba dapat pag pupunta sa mga bar nakabalot ako parang suman? Is that what he wants?



But he grew up in the States. Well, technically he grew up here. But he took his college degree there. And for all I know, liberated ang mga babae sa Western Places like NYC.



Mas masahol pa nga sinusuot sakin ng mga babae do'n. Hindi ba dapat natuwa siya kasi meron siyang nakitang babae dito na kahit papa'no may touch of NYC? Anong problema no'n?



Maybe, just maybe. I'm not his type.



But what is it to me now? Nag cr nalang ako at naglakad pabalik ng table kahit pagewang gewang.



I don't really care. In fact wala akong pakialam sa dalawang Montemayor na 'to. Bakit ba kasi para akong puppet ng universe these past few weeks. Nakakainis!


Natapos ang gabing iyon na asar na asar ako sa lahat ng taongmay apelyidong Montemayor. O sa kanya lang? Ewan. Napaka-presko.




10 AM na ako nagising kinaumagahan. Nagulat ako kasi ang lakas ng stereo nina Allan. You know what song is actually playing right now?



'Yong kinanta ng Stanley na 'yon. Hay!

Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now