Chapter 52

1.9K 59 26
                                    

Zero percent.

Chapter 52



Binuksan niya ang pinto. Saglit ko siyang pinagmasdan nang agad din akong lumabas. Pinagsisipa niya ang gulong ng kanyang Crysler.



Hindi ko alam kung pipigilan ko ba siya o aalis o kakausapin ko siya o ano. Nalilito na naman ako.



Pagdating sa kanya, alam na alam ng puso ko kung anong gagawin.



Pero umaatras ang kawatan ko dahil sa takot. He has the power to make me go nuts. Every freaking time.



"Stanley..." tanging iyon lang ang kinaya kong sabihin.



Pagkatapos niyang pagbuntunan ang kanyang gulong ay hinilamos niya ng dalawa niyang palad ang kanyang mukha. Nagpamaywang siya at bahagyang dinungaw ang langit.



Tumalikod siya sa akin. Hindi ko mawari kung anong ekspresyon ng mukha niya.



Gusto ko siyang tawagin para harapin niya ako. Pero umurong yata lahat ng laway sa bibig ko. Hindi ko alam anong sunod na sasabihin.



"I saw it..." Umiling siya. "Nasa bar ka kasama siya. Nakita kong lumuhod siya sa'yo. Nakita ko kung paano niya hawakan ang mga kamay mo. I saw all of it!" nag-utas siya ng mga bulong na mura na lalong nagpakaba sa akin.



Halos mapapikit ako dahil sa mga narinig ko. Nilingon niya ako.



Nakita ko ang halo-halong emosyon sa mga mata niya. Galit, lungkot, pagkalumo, selos... Hanggang ngayon nasasaktan ko pa rin siya.



Tandang-tanda ko kung kailan unang lumuhod sa akin si Onixx.



At iyon na ang huli! Dahil lang iyon sa pag-amin niya sa akin na gusto niya ako! At lasing siya noon! Pero walang namagitan sa amin!



Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Habang nakatitig siya sa akin. Lumuluha ako at hindi ko mapigilan ang paglabas ng mga walang yang tubig.



"I tried my best, Aemy. To understand your reasons... All of the goddamn reasons why you left. Kaya ko, eh. I can still tolerate the pain when you chose your family. But that? Seeing that guy hold your hand?" umiling siya.



"Do you know how much I was hurt that night? I was hoping. I was hoping every night... Every single night whenever I see you at that bar. That I'd fucking get any drunk text saying how much you miss me, Aemy." Saglit siyang napatigil sa sinasabi niya. Yumuko siya at umiling.




"Just one drunk text telling me that you regret to end everything the way it did," nag-angat siya ng tingin, "Na sa wakas! Binibigyan mo na ako ng pagkakataon para ipaglaban ka. That finally, you collected all the strength to fight for me, too!" pumungay ang mga mata niya.



Iyong mga matang pakiramdam ko sa akin niya lang pinapakita. Iyong halos marinig mo mula sa mga tingin niya ang mga gusto niyang sabihin.



"But you didn't... You were so busy with your new life. Ang bilis, Aemy. Samantalang ako, hindi ako makagalaw kung saan mo ako iniwan!"




"Wala kaming relasyon ni Onixx, Stanley... Kahit kailan hindi kami nagkaroon ng relasyon."



Bakas ang panginginig sa boses ko dahil sa pag-iyak. Sa kanya ko lang naibubuhos ang mga luha ko ng ganito katindi.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now