Chapter 32

2.1K 75 19
                                    

I love you with no limit.

Chapter 32

Ilang minuto pa akong tumayo doon at tumunganga. Nang mabalik ako sa wisyo ay nagpasya akong dumiretso sa washroom sa gitna ng bar at ng restaurant.



Pagkalabas na pagkalabas ko doon ay bumungad sa akin si Sav na may kausap sa kanyang cellphone sa di kalayuan sa parking lot. Lumapit ako para marinig.



Hindi ako tsismosa. But there is something inside me that pushes me to eavesdrop.



"Yes, tito. But how can you explain that? My cousin knows him and worse is I think your son is crazy over her. Yea, yea I know tito. Vince told me about them. Okay, alright. Thanks, tito. I know you got my back. Alright," pagkasabi niya no'n ay naglakad siya papasok sa isang itim na Crysler. Pinagbuksan siya ng isang driver na nakauniporme at agad din naman silang umalis. Nagtago ako sa likod ng pader.



Alam ko kung sino ang kausap niya. Napailing ako at gumapang ang kalungkutan sa akin. Ang daddy ni Stanley, si Sav ang gusto.



Hindi ko alam ang rason, pero ayaw niya sa akin. Parang kinukurot ang puso ko dahil do'n.



Kung hindi ako gagawa ng paraan para sa amin ni Stanley, maaaring mahuli na ang lahat. Kaya ko kaya?



Huminga ako nang malalim. Liliko na sana papasok sa entrance nang biglang may humila sa kamay ko. Pagkalingon ko ay isa sa mga kabanda ni Stanley ang bumulaga sa akin.




"Andro?"



"Uy Aemy," pakamot kamot siya ng ulo.



"Anong kailangan mo?"



"Ah ano kasi, sabi ni Stanley do'n ka umupo," ngumuso siya sa direksyon ng stage at itinuro ang isang couch do'n.



"May kasama ako, eh. Kasama ko si Vince," sabi ko.



"'Wag mo na problemahin si Vince, umuwi na 'yon. Kaya kung ayaw mong may mag beastmode, do'n kana umupo," pahalakhak na siya habang sinasabi 'yon.




"Umuwi si Vince?"




"Umuwi, kaya do'n ka na daw umupo. Para mas marinig mo mga kakantahin ni Stanley," pinaalon niya ang dalawa niyang kilay.




"Baliw," napangiti ako. Pagkatapos no'n ay nagmartsa na ako papunta sa loob ng bar.



Pagpasok ko sa bar ay hinanap agad ng mga mata ko si Vince. Wala talaga siya. Bakit siya umuwi? Hindi kaya pinauwi ng mokong na 'yon? Hindi ko talaga maintindihan ugali ni Stanley. Minsan mabait. Kadalasan, ewan ko na.




"Hey guys," alam ko na agad kung sino ang nagsalita sa stage kaya nilingon ko siya bago ako umupo sa couch na may nakalagay na "Reserved for Aemy Fontelera."




"I hope you enjoy the songs we prepared for tonight. This set is," tumingin siya sa kinauupuan ko, "this set is for a very special person."




Naghiyawan ang lahat ng tao. May mga babae akong narinig na halos maubusan ng boses sa kakatili. OA ba sila? Hindi naman artista si Stanley para tilian nila ng ganyan.



Umirap ako sa kawalan nang may nakita akong babae na halos itulak na ng mga kasama niya sa stage sa sobrang kilig kay Stanley.

Pero masisisi ko nga ba sila? Kaunting kibot lang ng taong nasa stage ngayon ay halos sakupin ng presensya niya ang buong bar.




Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now