Chapter 30

2.4K 64 13
                                    

Coz you're with him

Chapter 30

Confirmed. Sav is here so she could patch things up with Stanley. Yes, patch things up as in fix things between them.



Ang sabi niya sa amin ay nagkaroon sila ng relasyon ni Stanley. Hindi ko sakanya tinanong directly iyon.




Hindi na kailangan kasi sa tuwing magtatanong sina daddy tungkol sa buhay nila sa New York ay laging naisisingit ang love story daw nila ng Montemayor na 'yon.



Naudlot lang daw ang love story na 'yon nang maunang umuwi si Stanley sa pilipinas.



Aniya'y nang dumating sina Stanley sa New York seven years ago ay agad silang naging malapit sa isa't isa.



Kailan ko rin lang nalaman na magkakilala pala ang mga magulang ng kambal, mga magulang namin, at ni Sav kaya't isa sa mga unang naging kaibigan ni Stan sa New York ay ang pinsan ko.



Si mommy ang madalas kakwentuhan ni Sav tungkol do'n. Nakikinig lang ako sa tuwing may gano'ng usapan sa hapag, gano'n din ang mga kapatid ko.



Tulad ngayon. Si daddy naman ay halatang hindi interesado lalo na kapag nababanggit ang apelyidong Montemayor.



Mas napaisip ako sa ikinikilos ni daddy tungkol dito kaysa sa mga kinukwento ni Sav. I feel like there's something about the Montemayor's that makes him feel uneasy.




Sa kalagitnaan ng dinner namin ay tumunog ang cellphone ko kaya't dinungaw ko 'yon agad.



Unknown number: Why aren't you replying? I asked Jaycee if he's free this weekend. He's free. So it's settled then?




Napangiwi ako. Inaaya niya akong manuod ng set nila sa Maxine's this weekend. Aniya'y lahat ng naka-prepare na kanta ay para daw sa akin. Sabi ko sakanya sasama lang ako kapag sasama si Jaycee.



Ayan at napapayag niya ang isa. Tss.




Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang dumating si Sav at mula nang nalaman kong si Stanley ang nagbibigay sa akin ng cd's no'ng highschool.



Alam narin niyang pinsan ko si Sav dahil ilang beses nang dumalaw ang pinsan ko sa Maxine's. Or should I say, ilang beses na siyang pumunta do'n para landiin si Stanley. Nakakainis.




Sinabi rin sa akin ni Stanley na huwag akong nagpapaniwala sa mga sinasabi sa amin ni Sav pero anong magagawa ko?



Kapanipaniwala ang mga kinukwento niya. At pansin mong halos kilalang kilala na niya si Stanley dahil sa tagal nilang nagsama sa New York.




Sa loob ng dalawang linggo ay madalas dumalaw si Stanley sa opisina pero sa tuwing alam kong magagawi do'n si Sav ay pinapaalis ko siya.




Ang sabi niya sa akin okay lang daw na malaman ni Sav na malapit kami at wala siyang pakialam. Pero ayaw ko. Hahanap ako ng magandang tiyempo para do'n.



Kahit paano, importante sa akin ang mararamdaman ng pinsan ko.


...


"Hindi ka pwede sa weekend? Sabi ni Stanley pwede ka daw," reklamo ko habang sinasamahan si Jaycee na nagyoyosi dito sa parking lot ng condo unit nila.




"I want to, Aems. Alam mo namang shipper niyo ako ni Stanley. Kaya lang may skype sesh kami ng bestfriend mo. I can't choose you over him," panunuya niya sabay humalakhak.




Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now