Chapter 28

2.6K 64 24
                                    

Do it all over again

Chapter 28


There are two basic motivating forces. First, is love. The second one, is fear. When we are inlove, we open to all that life has to offer with passion, excitement, and acceptance. When we are afraid, we pull back from life.



Gano'n na nga yata ang nangyari sa akin ng mga oras na yo'n. I pulled back from life. I was so frustrated. I wanted to make my mom and dad proud using music. But the moment I tried to do it, I failed.



Nag audition ako no'n para sa isang major musical play sa school namin, sinabi ko sakanilang ako ang makukuha.



Pero binigo ko sila. It was Kelsea who got in. From then on, I never had the same passion for music. I never played any instrument.



But the cd's. Iyon ang mga naging dahilan ko noon para magpatuloy.




Sa tuwing nakakatanggap ako noon ng cd, sabik akong marinig ang boses sa huling part ng mga iyon na nagsasabing, "Someone might still want to hear your voice. Don't lose hope. I'll be waiting for you to sing up that stage again."



Ngayon alam ko na. Alam ko na kung bakit kakaiba ang naramdaman ko noong una ko siyang marinig na kumanta sa Maxine's.



Siya na pala iyong matagal ko nang hinihintay. Siya pala ang boses na iyon.



Bumaling ako sa nakatayo sa likuran ko. Nakahalukipkip siya at malungkot ang ekspresyon ng kanyang mga mata. Pinupunasan ko ang mga luhang parang may sariling buhay at walang tigil na tumutulo.



Naglakad ako papalapit sakanya habang humikbi. Napaayos siya ng sa kanyang pagkakatayo.



"A-Aemy. Are w—"



Hindi ko na hinintay pa kung ano man ang balak niyang sabihin.



I wrapped my arms around his waist and tightly hugged him. Agad rin siyang tumugon. Niyakap niya ako at bumuntong hininga bago siya nagsalita.



"A-Aemy, are we cool?"



"Not yet, Stan. I just needed a hug," lalo akong sumubsob sa kanyang dibdib at mas lalong lumalim ang mga hikbi ko.



Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko lang, masaya ako. Umiiyak lang ako dahil sa nag uumapaw na emosyon ko ngayon.



Is it even legal to feel happy right now? I don't know anymore. Basta, masaya ako.



Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinaplos nang marahan ang pisngi ko. Nakakahiya, para pa naman akong bata umiyak. Hikbing walang bukas.



"So basically, I'm the cd sender," he flashed a weak smile while he's wiping my tears.



"Stop crying now, please? I don't like it when you're crying. Uhh, wait. Okay. Will it make you smile if I dance here? I'll dance," pagkasabi niya no'n ay sumayaw siya ng step ng sayaw ni Bayani Agbayani. Basta yo'n na yo'n.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now