Chapter 59

2.6K 73 41
                                    

My Johnny Depp.

Chapter 59



I didn't know courtship will still give me feels of being a teenager. Nakakahiya mang aminin pero pakiramdam ko highschool kaming dalawa.



He fetch me from places. We text everyday. He even buys me flowers. What's funnier is that... Hindi siya matutulog sa gabi kapag hindi pa ako tulog. He drives me really... Really crazy.



Stanley: I'm outside. Coffee? My treat.


Napangiti ako sa text niya. Eksaktong nagbabalak akong lumabas ng unit para bumili ng kape sa convenient store. Isang linggo nalang pasko na kaya sobrang lamig na ng panahon.



Isang linggo na rin niya akong nililigawan. Damn it. My heart thumps so fast when that fact hits me. Nililigawan niya ako.



Me: Alright. Bihis lang ako.



Nag black turtleneck ako at pinatungan ko iyon ng white furry coat. White skinny jeans at black knee-high boots. As much as possible, no shorts. Suplado siya kapag naaabutan niya akong nakashorts.



I like it when he's annoyed and jealous. He turns out cuter but then... Sobrang ginaw na talaga ngayon. Sa Pangasinan ko nalang siya aasarin.



Nang buksan ko ang pintuan ko ay naabutan ko siyang nakasandal sa tapat mismo ng kanyang pintuan. His hands are in his pocket. Diretso ang tingin niya sa akin habang nakaangat ang dulo ng kanyang labi.



"I was ready to punch people today if you wore your shorts," paunang salita niya saka nag-ayos ng tayo.



"Malamig. Bakit ako magsho-shorts?" umirap ako. Nauna akong naglakad sa kanya. Nakasunod siya sa akin.



Ayaw kong makita niyang sa simpleng presensya niya ay kinikilig ako. Oo. Kinikilig ako. Nagiging abnormal lahat ng galaw ko kapag malapit siya.



He's wearing a black hoodie sweater. He is enticingly handsome and catchy. I don't actually remember the last time I was attracted to guys who wear hoodies.



Nang mapadpad siya dito sa Baguio ay lagi siyang naka-suot ng ganiyan. Makes me want to check his closet para makahingi ako ng isa.



Sa ilalim ng hoodies niya ay nasisilip ko ang isang puting v-neck shirt. Minsan gray iyon... Minsan pastel blue... But the white one is my favorite.



Ang bango ng perfume niya pero kapag nakikita ko ang puting iyon, parang mas nagiging mabango. I don't know.



Nang itinaas ko ang kamay ko para pindutin ang button ng elevator ay napatigil ako. Nagsabay kami sa pagpindot. I don't know if my hands are grounded. May kuryenteng tila dumaloy doon nang masagi ko ang kamay niya.



"Cold hands, huh?" utas niya. Napayuko ako at palihim na ngumiti.



Bahagya siyang nakatingala at nakatuon sa floor monitor. Nakabulsa pa rin ang mga kamay niya. Nang tumunog ang elevator ay agad akong pumasok. Sumunod siya.



"Let's do something about your cold hands."



Pagkasabi niya no'n ay kinuha niya sa gilid ang kanang palad ko at ipinasok iyon sa bulsa ng kanyang hoodies. His left hand also rested there.


"There," dinungaw niya ako at ngumiti, "That's better."



"Tsansing ka ha," tumingin ako sa nakabulsang kamay ko at humalakhak.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon