Chapter 40

1.9K 60 14
                                    

I will remember all of it.

Chapter 40

"You need to tell him, Aemy... Magtulungan kayo. You can't just give up on him"


Ilang beses nag-replay sa tenga ko lahat ng sinabi ni Allan. Sinubukan kong matulog pero wala, mulat na mulat parin ang mga mata ko. 2AM na nang madaling araw.


Kung ordinaryong araw ito, kanina pa ako nakarating ng Madagascar sa panaginip ko. Kumakain na ako ng Sobremesa sa Portugal at dina-drive ko na ang pangarap kong kotse na Trailblazer.


Umupo ako mula sa pagkakahiga nang maaninag ko ang cellphone kong umilaw. Stanley.


Napapikit ako at kumunot ang noo. I thought I was strong. I thought I can always do it when struggles come.


But now that Stanley is in the picture, parang nalusaw lahat ng lakas ko. Parang hinigop ng masamang hangin lahat ng pag-asa sa sarili kong magiging okay din lahat.



Lord, please. Kailan ba ako matatapos?



Inabot ko ang cellphone ko at agad ni-check iyon. Gulantang ako sa dami ng messages at missed calls.



60 messages ang galing kay Stanley. May tatlong mensahe galing kay mommy. 78 missed calls galing kay Stanley at may isa galing kay mommy.



Mommy: Anak, can we talk?

Mommy: Anak please go home. Let's talk.

Mommy: I cooked for dinner... It's your favorite. Please, Aemy. Mag usap tayo anak.



Bahagya akong napangiwi. Am I being a bitch here? Because I don't like it.


Kailangan kong i-control ang nararamdaman kong tampo kay mommy. Kung tampo pa ba ito, o galit na.



Hindi ko na alam. Hindi ako pwedeng magalit sa kanya nang tuluyan pero hindi ko din alam kung paano lulusawin ang nararamdaman ko.



Sunod kong binuksan ang mga mensahe galing kay Stanley. Agad kumalabog ang dibdib ko at parang nagising lahat ng insektong inaalagaan ko sa loob. Nagbukas ako ng apat mula sa 60 messages na galing sa kanya.



My Favorite: I will settle for texting then.

My Favorite: Hindi ka naman nagrereply. Are you really busy? Can I come?

My Favorite: Hey... Busy. Guess what? I miss you.

My Favorite: I'm sorry. I'm such a clingy asshole.



Hindi ko na binuksan ang iba pang messages galing sa kanya dahil lalo lang akong manlulumo. Baka kasi kapag binasa ko iyon lahat, makalimutan kong hindi kami pwede.


Baka tumakbo nalang ako kung nasaan siya at iposas ang kamay ko sa kamay niya. What the actual hell, Aemy Bressely?


Oo, gano'n ko siya kamahal ngayon. Umaapaw. At ang sakit sakit kasi tinanggalan na ako ng karapatan para ipadama iyon sa kanya.

Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now