Chapter 50

2.1K 68 40
                                    

On bended knees.

Chapter 50


No matter how much we try... And no matter how much we want it... Some stories just don't have a happy ending.



Napatunayan ko na iyon. Kahit gaano mo ipilit, hindi pwede. Hahadlang at hahadlang ang tadhana. You can question all you want, but end point? Wala kang magagawa.



"I tried to make him fall for me, Aemy. Since our NYU days... Kaya lang wala, eh. I bet, cuz... Since highschool... mahal ka na talaga niya. That's why I'm quite skeptic about Audrey and him. He loves you so much. He's willing to destroy anything just to get you," sambit ni Sav habang matamang nakatingin sa akin.



Nandito pa rin kami sa pool area. Iniwanan muna kami ni daddy para makapag-usap. I guess he has an idea about what happened then. Kaya hinayaan niya kaming mapag-isa.



"Masaya na siya ngayon, Sav. Nakita ko iyon. Huwag na natin ipilit. They looked really in love. We can no longer protest to that," sagot ko. Nagpakawala ako ng isang mahinang ngiti.



Bumuntong hininga siya bago nagsalita ulit, "Aemy..." Hinawakan niya ang mga kamay ko, "I'm sorry... I'm sorry if I did anything to hurt you before. I'm sorry if ever I was one of those reasons why you left," lalong lumungkot ang mga mata niya.



"No, Sav," umiling ako, "It wasn't anyone's fault. Okay? Umalis ako... Kasi iyon ang tama. I chose this family. I chose our family. At hindi mo iyon kasalanan. Walang may kasalanan," ngumiti ako at niyakap siya.

....


Dumaan ang ilang linggo na patuloy kong iniisip ang lahat ng narinig ko sa pinsan ko at kay daddy. Alam kong hindi ko dapat iniisip ang mga iyon. Mali.



Nanatili akong hangin sa paningin niya. Nagpatuloy ang pagsi-set namin sa bar nila ng Martes at Huwebes.



Nakikita ko sila madalas ni Audrey na magkahawak-kamay, o di kaya naman ay tahimik na magkausap sa isang sulok ng bar. Sa tuwing nangyayari iyon ay umiiwas ako agad ng tingin.



Pagkatapos ng nangyari sa opening ay hindi na nagtama pa ulit ang mga mata namin. Or should I say... Hindi na ako ulit nagtangkang tumingin sa mga mata niya? Oo. Ganoon nga siguro. Ayaw kong masanay uli sa mga mata niya.




"Malas! Hay nako naman, Aemy!" reklamo ko pagkababa ng kotse ko. Nasapo agad ng palad ko ang noo ko.



Bumaba ako para i-check ang makina at agad lumabas ang makapal na usok mula doon. Kung mamalasin ka nga naman. Mali-late na ako sa set!



Sinuyod ko ang phonebook ko at sinubukang tawagan ang lahat ng pwedeng tawagan. Inuna ko ang mga kabanda ko at wala ni isang sumasagot sa kanila. Right, Aemy. Busy na silang lahat sa set!

I dialled for Allan's number.

"Hello? Beng! Sup? Magkasama lang tayo kanina miss mo na ako? My God clingy bestfriend alert!" Untag ni Allan sa kabilang linya. Umirap ako sa kawalan.

"Sira! Nasiraan ako! Nasa Sual East palang ako! May alam ka bang Tow Truck hotline? Hello? Hell— uy beng!" Tatalakan ko pa sana siya nang dinungaw ko ang cellphone ko at agad napamura nang malutong.



What is wrong with you, universe? Dead batt! Fuck! Ngayon sigurado na akong lalakarin ko hanggang sa makakita ako ng talyer!



Nagpasya akong i-lock ang kotse ko at lakarin ang kahabaan ng Sual East para maghanap ng talyer. O kahit sinong pwedeng tumulong sa akin.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon