Chapter 49

1.8K 59 22
                                    

I guess not.

Chapter 49


"Onixx, uuwi ako sa amin ngayong gabi. Doon ako matutulog," utas ko sa kanya habang tumutulong kami kay Lheoj i-disassemble ang drum set.


"Ngayong gabi?" gulat na sagot niya. Ibinaba niya ang hawak na sticks.


"Oo... Miss na miss ko na kwarto ko sa Alaminos," ngumisi ako. Isinarado ko ang zipper ng backpack ko.


Alas tres na nang madaling araw. Isang bayan lang ang pagitan ng Sual at Alaminos City kaya planado talagang uuwi ako pagkatapos ng set namin. Isu-surprise ko silang lahat sa bahay.



Milagrong walang wasted sa amin pagkatapos ng opening. Kahit halos naka-sampung shots si Onixx ng Tequila ay parang walang bahid ng alak sa kilos niya.




"Sigurado ka? Ihahatid na kita. Magmamadaling araw na. Hindi ako papayag n—"

"'Wag na, Onixx. Magpahinga nalang kayo. Aakyat pa kayo ng Baguio mamaya," pagputol ko sa sinasabi niya.

"Tss. Hindi naman ako pagod. Tsaka si Brye ang magmamaneho ng kotse ko mamaya. At hindi din naman ako lasing, kung iyon ang iniisip mo," ngumiwi siya at saka sinikop ang bag ng gitara niya, "Dito ka lang. Babalikan kita. Ilalagay ko lang 'to sa quarters," bilin niya saka lumabas ng bar.



Napabuntong hininga nalang ako. May mas malalim akong iniisip kaysa makipagtalo sa kanya tungkol doon.



Pagkatapos umalis ni Stanley sa harapan namin kanina ay hindi na siya bumalik pa. Maging si Audrey ay hindi na namin ulit namataan sa loob ng bar. Si Miss Ticse ang naiwan para mag-asikaso sa lahat.



Bakit kaya? Anong nangyari? Nag-away kaya sila ni Audrey? Pero bakit pati si Audrey kanina ay walang ideya kung bakit niya kami nilayasan sa table?



O 'di kaya naman gusto niya lang talagang mapag-isa sila ng girlfriend niya? Kaya pasimple siyang umalis at sinundan naman siya ni Audrey? Pagkatapos no'n ay iniuwi na niya ito?



Eh ano naman kasi sa'yo iyon ngayon, Aemy?! Hindi mo na problema iyon!


"Tara na!" untag ni Onixx na siya namang ikinagulat ko. Humawak siya sa dalawang balikat ko at biglang lumitaw sa likuran.


"Shit!" bulalas ko. Lumaki ang dalawang mata ko at sandaling hinabol ang hininga. Tumawa siya nang malakas.


"Magugulatin ka kahit kailan!" Tumawa siya uli, "Lika na," inagaw niya ang kamay ko at agad akong napasunod sa paglakad niya.



"Teka teka," huminto ako at napahinto din siya. Tumaas ang dalawang kilay niya.


"Oh bakit? Magrereklamo ka na naman b—"

"Anong gagamitin nating sasakyan? Hindi ko pwedeng iwanan ang kotse ko dito sa—"

"Kotse mo ang gagamitin natin. Ako ang magda-drive. Susi? Asa'n?" Inilahad niya ang isang kamay niya sa akin.

"Ha?! Lulong ka ba sa drugs, Onixx? Paano ka babalik dito? Paano k—"

"Lulong ako hindi sa drugs. Sa'yo lang. Magbu-bus ako pabalik dito syempre! Susi? Bilis na," utos niya ulit. Umirap ako pero wala rin akong nagawa kundi ibigay iyon.

"Ang corny mo. Magpapasalamat ako sa ngayon pero sa susunod, ako nalang ang uuwi mag-isa," ngumiwi ako pero napangiti din sa kanya.

"Iuwi kita dyan sa amin, eh," bulong niya habang hinihila na ako papunta sa parking lot ng bar. Rinig na rinig ko iyon.

Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon