Wakas

5.2K 122 56
                                    

Guess what? You reached the end chapter you lovely creature! *virtual hug*

My next main story is ready for an update (see my works). It's the side story of Sweet Serendipity. Sana kiligin din kayo kay Vince doon. :)

Song used:
If we fall inlove by Yeng Constantino and Rj Jimenez


Forever starts today.



Parang kailan lang noong sukdulan ang katangahan ko kay Raunald. Parang kailan lang noong muntik kong nasabunutan si Rojean.



Parang kailan lang noong pinapanuod ko si Allan at Jaycee na naghaharutan at nagkikilitian. Parang kailan lang noong tinanong ko sa sarili ko kung... "Ako kaya? Kailan kaya darating iyong para sa akin?"



Nakilala ko na kaya? Nakausap ko na? Nakasalubong?



Sino nga bang mag-aakalang siya na pala ang lalaking tumulong sa akin bumuhat ng organ ko noon?



Siya pala ang nagbalik ng keychain na nahulog ko noon sa tapat ng Religious Store.



Siya pala iyong nagbibigay sa akin noon ng CD's.



Siya na pala si Stanley... Iyong iniwanan ko para sa pamilya ko, pero hindi nagsawang maghintay para sa akin.



"Ate! Huy! Ate?! Gising ka na! Naghihintay na itong mga sandamukal na bulaklak dito!" sigaw ni Bella sa tapat ng pintuan.



Halos hindi ko naintindihan iyon pero pinilit kong imulat ang mga mata ko. Kunot-noo akong bumangon at umupo sa kama.



"Oo na... Ito na tatayo na," tamad kong sabi habang tumatayo mula sa kama.



Tamad ko ring binuksan ang pintuan ko nang bumungad sa akin si Bella. Tinapat niya mismo sa mukha ko ang napakalaking bouquet ng mga puting rosas.



"Oh! Ewan ko nalang talaga kung iwanan mo pa iyong Stanley na iyon," dinabog niya sa dibdib ko ang mga rosas.



Kunot-noo akong ngumisi. Umirap siya sa akin at saka nagtungo sa hagdan para bumaba.



"Thanks, Bella." paos kong pahabol bago siya nawala sa paningin ko.


Tinuon ko ang pansin sa mga rosas at ninamnam ang halimuyak ng mga iyon. They really are sweet and arranged attractively.



Umupo ako ulit sa kama at kinuha ang cellphone ko. I typed for a message.



Nang hanapin ko sa contacts ang pangalan niya ay hindi ko na iyon mahanap.



"What now? He deleted his number?" bulong-bulong ko sa sarili ko habang naghahanap sa phonebook.



Hanggang sa makarating ako sa letter M at maitapat ang cursor sa isang "My Favorite".


Pinalitan niya pala ulit. Napailing nalang ako at napangisi.


Bumalik ako sa mensahe ko at isinend iyon sa number niya.



Me: Kagigising ko lang. Natanggap ko na flowers. Thank you. :)



Wala pang dalawang minuto ay may reply siya agad.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now