Chapter 12

3K 112 64
                                    

Just let me

Chapter 12

Kanina pa ako pabalik balik ng lakad sa kwarto ko.



Iniisip ko kung bakit ko naiwan iyong wayfarer ko. I mean kung paano at anong pumasok sa isipan ko at naiwan ko.



E kasi nga Aemy, tulala ka nanaman sa kanya kanina kaya imbes na maalala mong kunin iyong wayfarer mong nailapag mo sa table niya eh wala.



Did my conscience just talk? Nababaliw na ata ako. I need refreshment.



Bumaba ako sa kitchen para uminom ng tubig. Sa sobrang tensyon sa buong katawan ko ay naubos ko ata halos iyong isang pitcher.



Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? O naiinis lang ako sa sobrang kasungitan ng lalaking iyon?



Minasahe ko ang sintido ko at kinuha iyong cellphone para magtype ng reply.



Me: Oh. I see. Sorry makakalimutin talaga ako. Can you give it in my office if you have time? Sa may Marcos Ave lang naman. FG Travel and Tours. Thanks!



Kapag ito sinungitan pa ako ewan ko nalang. Ibabato ko tong iphone ko!



Pagkatapos ng limang minuto ay wala pang reply. Kinuha ko yung tissue sa food counter. I'm fidgeting! Damn it. Nang sa wakas ay nag-beep, dinampot ko agad.



Unknown number: Sorry I have no time. I have band rehearsals. And I'm looking after the bar. Just get it here.



What?! Magtatype na sana ako ng irereply nang tumunog ulit.



Unknown number: Wear pants.



Again, WHAT?!



What is it with this guy and the way I dress?! What now?! At wala siyang time?



May time nga siyang makipaglandian doon sa Front Desk Officer niya tapos wala siyang time maghatid ng wayfarer ko sa office? Wow. Pinapainit niya ulo ko.



At ano? Wear pants? Who is he to teach me what to wear? Since when he became my wardrobe adviser? We're not even close for Christ's sake. Ugh!



Hindi na ako nagreply.



Sa tingin niya kukunin ko pa iyong wayfarer na 'yon? Kung mamandahan niya lang ako tungkol sa kung anong isusuot ko wag nalang. Kaya kong bumili ng bagong wayfarer.



Kaya lang sa tuesday na kami aalis papuntang beach! Dibale na nga lang, hihiram nalang ako kay Bella.



Pero... Shit. Iyong college ID ko nasa kanya.



Paano kung ipakulam niya ako? Paano kung one of these days tubuan ako ng kulugo sa mukha? Wala akong ibang sisisihin kung hindi siya!

....

It's monday morning at 8 AM umalis na ako para pumasok. Dinaanan ko si Jaycee at Allan sa building nila. May sira ata kotse ni Allan kaya nagpasundo.



"Good morning bff!" Umupo siya sa frontseat at nagbeso sakin. Si Jaycee naman ay umupo sa backseat.



"Hey lovers. Haven't seen you in awhile ha," Kinindatan ko si Jaycee.



"Beng you wanna drive instead? Para sa frontseat si Jaycee. Sa likod nalang ako. Magmmake up ako eh."





Bumaling ako kay Allan.


Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon